Chapter 33

122 9 0
                                    

Northern Nights
Chapter 33

"What?! Fiancee niya na si Francine?!" halos mataob na ang table na kinakalampag ni Pia dahil sa gulat na nararamdaman niya. I knew she will be shocked pero hindi ko naman inaasahan na ganito.

"And nakita mo rin ang lalaking iyon?!" I mean isang araw na ang nakalipas and ngayon ko lang nasasabi kay Pia ang lahat.

I gave her puzzled look "Bakit? Tama naman ang sinabi mo diba, lahat ng mga taong nakasalamuha ko noon ay nag-papakita na ngayon"

"Pero kailangan bang ngayon? Marami pa namang buwan sa kalendaryo, at ang masama pa mag-kasama mo pa silang makakatrabaho" natatarantang sabi ni Pia, parang mas na-strestress pa siya kaysa sa akin na relax lang na naka-upo.

I already accept the fact that I will be working with them, at sa tingin ko ay wala namang masama doon dahil ginagawa lang nila ang trabaho nila.

"Hindi naman mag-tatagal ang project na ito, after this wala ka ng dapat ipag-alala"

"Pero paano mo na-control ang sarili mo that night? Wala ka bang naramdaman na takot or like gulat?" napa-isip naman ako at inalala ang gabing nakita ko si Van na sinundo si Francine. Naramdaman ko ang pagiging tulala ko dahil bumalik nanaman ang gabing nag-kita na kami muli.

Tago ang frustration na nararamdaman ko, I always say to myself na iba na ang Aisha ngayon, na hindi na siya ang Aisha na nasa college. He's handsome as hell but for now I didn't expect more, I remember all, sa isang iglap bigla nanamang bumalik.

Hindi ko naman sinisisi si Van sa pag-balik niya maging si Francine, pero nakakapag-taka lang na bakit ngayon pa kung kailan kailangan ko ng focus?

Magagawa ko naman ang bagay na iyon pero paano? Sa pag-iwas? Eh parang mas lalong magiging komplikado ang sitwasyon kapag ganon ang ginawa ko, hindi ko  alam ang gagawin ko, hindi ko ba alam kung ano bang iniisip ko. Nag-simula lang naman ito nung bumalik siya.

"Hey Aisha, hello?" kinaway ni Pia ang kanyang kamay sa nakatulala kong mukha and I immediately focused myself on her.

"A-Anong sabi mo?" nauutal na tanong ko sa kanya, dahil sa pag-iisip ko ay nawala sa akin ang tanong niya. Nakita ko ang pag-singhap nito at nag-aalalang tumingin sa akin, she crossed her arms and like standing in front of me like a judge.

"Nawala ka nung dumating siya no?" mabilis na kumurap ang mga mata ko at iniwas ito.

"Anong nawala?" pretending not to understand the question

"Kitang-kita sayo girl, nawala ka dahil dumating siya and ang masakit dun, bumalik nga siya pero meron na palang fiancee" kumunot naman ang noo ko dahil ano bang masakit sa nag-karoon na ng fiancee si Van? I should be happy for him.

"Bakit? We should be happy about him having a fiancee" I said while smirking

Pinitik naman ni Pia ang noo ko dahilan para mapa-aray ko "Bakit mo naman ginawa yun?" ani ko habang hawak-hawak ang noo ko na pinitik niya. Tumaas naman ang kilay nito sa akin na para bang nanay.

"Hello? Nakalimutan mo na ba ang nangyare sa kanila? Nakalimutan mo na bang alam mo rin ang nangyare?"

"May amnesia ka ba?"

Hindi ko naman nakakalimutan kung ano ang nangyare sa relasyon nila noon ni Francine pero nakaraan na yun, maybe they are starting a new closure and relationship. Hindi ko naman nakakalimutan na dinamayan ko si Van because of Francine, hindi ko nakakalimutan yun.

"At least pumili siya diba, iyon naman ang importante diba" 

Pumili naman si Van at iyon ay gawing asawa si Francine in the future, he was affected five years ago and it sums up that he still loves her that time. 

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon