Northern Nights
Chapter 41"Ready, set, go!!" naunang nag-sipasukan ang dalawang bata sa sako at dali-daling tumalon para maunahan ang kalaban sa sack race habang ako naman ay pinapanood sila at hinihintay ang turn ko.
I mean hindi naman siguro magiging awkward dahil mas mag-fofocus kami ni Van sa laro, tahimik lang ito sa tabi ko at pinapanood ang mga bata na maunang mag-laro. Sumulyap ako at nakita kong nag-tatama ang dalawang kilay niya dahil sa pagiging seryoso.
Tumikhim nalang ako at napa-yuko, how can he be so serious sa ganitong laro?
Nauuna ang team namin ngayon at nasa pangatlong partner na kami habang ang red team ay nasa pangalawa palang. Nakita ko na inaalalayan ni Nicolai ang mga bata sa pag-talon na dahilan para umawang ang labi ko, hindi ako maka-tanggi na puno ng surprises ang lalaking to.
"Balak mo na ba siyang sagutin?" naputal ang pag-tingin ko kay Nicolai dahil sa tanong ni Van, nakita ko ang mabigat niyang tingin sa akin na dahilan para tumaas ang kilay ko.
"That's none of your business" I said while smirking para naman hindi nya masamain ang sinabi ko. He clenched his jaw and put his hands on his waist.
"Kamusta kayo ni Francine?" biglang labas ng bibig ko, bahagya pa akong nagulat pero wala na akong nagawa dahil nailabas ko na ito. Diretso lang ang tingin ko, pinapanood ang mga bata na nag-lalaro.
Narinig ko ang malalim niyang pag-singhap na para bang nahawa ako dito "Ayos lang kami" he said with a husky voice.
"You should be a good husband" nakuha ko ng tumingin sa kanya at lumabas sa labi ko ang isang ngiti and right now he's confused "I mean, Francine will be a good wife and you should also"
Matagal kaming nag-katinginan sa isa't-isa na dahilan para maramdaman ko ang pag-bigat ng bawat pag-hinga ko, parang inuusisa niya ang bawat kanto ng mukha ko and pilit kong nilalabanan ang tingin niya.
"Ate Aisha, kayo na po!" sigaw ng bata na dahilan para mataranta ako, naramdaman ko nalang bigla ang pag-hila sa akin ni Van para agad kaming maka-pasok ng sako.
"Kapit" sabi niya sa akin, nilagay ko naman ang braso ko sa balikat niya at ganon rin ang braso niya sa bewang ko. Nakita kong nag-simula na sila Francine at Nicolai na dahilan para mapa-kagat ako sa labi ko.
"Ate Aisha! Bilisan niyo po!" sigaw ng mga bata na dahilan para mapa-tingin ako kay Van at napa-tango nalang.
"Go!" sigaw niya na dahilan para tumalon na kami ng sabay.
"Go kuya Van!"
"Ate Francine, malapit na sila!"
Punong-puno na ng sigawan ang field dahil sa dikit ang laban,halos sabay lang kaming tumatalon kaya hindi malaman kung sino ang mananalo. Dapat kasi nauna nalang kami ni Van e!
"Ate Aisha!" nag-sisitilian na ang mga bata dahil kaunti nalang ay malapit na kami sa finish line. Napakagat ako sa labi ko at pilit na tumatalon kahit na pagod na, hindi naman kasi ako para sa ganito e!
Naalala ko tuloy yung nadapa ako sa pe class namin, masyado kasing pabibo yan tuloy puro sugat ang natamo.At ngayon ganon parin ako, napaka-lampa ko sa sports kahit ata pag-takbo ay kinakaayawan ko na.
Unti-unti na kaming lumalapit ni Van maging sila Francine ngunit nagulat ako ng biglang mawala sa rhythm ang pag-talon ko na dahilan para sumabit ang paa ko.
"Ahh!" sigaw ko
At sa sigaw na iyon ay naramdaman ko nalang ang lupang nahigaan ko, naramdaman ko nalang ang isang mainit na hininga malapit sa aking mukha na dahilan para unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...