Chapter 28

132 9 0
                                    

Northern Nights
Chapter 28

"So this is the project of the board and you decided to join?"

Hindi ko inaasahan ang pag-tawag sa akin ni daddy habang nasa opisina ako, sinusubukan kong huwag magpaka-plastic sa kanya. Tatay ko parin naman siya at dapat ko parin siyang igalang.

"Yes dad" I said

"That's good, the sales will go up if you pretend" he said the reason why I chuckled, importante lang ba talaga sa kanya ay ang pangalan niya? Ang kayamanan niya?

"Dad, we are not pretending. We are doing this project to help the orphanage not for fame"

Nakakapang-hinayang lang na ganitong klaseng tao ang nabibigyan ng yaman, masyado ng mayabang ang tatay ko. Ang akala niya yaman at pangalan lang ang kailangan para sundin ka pero hindi.

"Pero hindi ikaw ang gumawa ng project, sumama ka lang"

Dahil sa sinabi niya ay unti-unti kong naiyukom ang kamao ko, nakalimutan ko nga pala kung paano niya ako tignan na isang mahina anak niya.

"Can I just cut this call off? I'm just getting irritated"

Parang sasabog ako kahit marinig lang ang boses ng daddy ko ay parang ang ibibigay niya lang sa akin ay masasamang salita. Sinong tao ang magiging better kung yung sariling magulang mas hinihila pababa yung anak niya?

"Tandaan mo, this is your last chance to prove yourself kapag isang pag-kakamali nanaman I think my surname doesn't suit you"

Malalim akong napa-singhap dahil sa ugali nito, paano ko ba siya natiis noon? Paano ko ba nasikmura ang buhay kasama siya? Limang taon ang sinayang ko para sa kompanya niya. I did my best pero hindi niya naintindihan ang lahat ng ginagawa ko.

"Don't worry if the project will be successful I'll be grateful but if it doesn't work then I'm much more grateful to change my surname"

Bakit niya pa ba ako binigyan ng chance? Sa dami kong kamalian sa buhay ay nakuha niya pang bigyan ako ng pag-kakataon, as I said kaunting tiis nalang ay makakaalis narin ako.

"Don't be a disgrace--"

"Goodbye dad" pag-putol ko dito, padabog kong binaba ang phone ko dahil sa nag-titimpi ako sa galit. Lahat ay nakaka-insulto kay daddy, sirang-sira na talaga ang image niya sa akin. Mabuti nga at nakuha niya pang sundin si mommy pero kapag sa akin iba.

I can live without them, mas gugustuhin ko pang mag-hirap kaysa maka-sama sila. My world is full of negativity, sa tingin nila ay wala na akong ginawang tama, a disgrace and a failure.

Pero ipapakita ko sa kanila na hindi ako ganon, this will be my last fight. The farewell is coming, the farewell for my freedom and happiness.

Bigla namang may kunatok sa pinto na dahilan para ayusin ko ang sarili ko, pinakalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong maibunton ang galit ko sa ibang tao.

"Come in" seryoso kong sabi

Pumasok si Alvin dala-dala ang isang folder, umupo naman ako habang pinag-mamasdan ito. He still wears his big eye-glasses and I think it's cute.

"Ma'am Aisha, we already have the workers and also some architects gave us some designs. Andito na ho lahat ng mga information about the project" nilapag ni Alvin ang isang folder na kaagad ko namang binuksan.

"May mga ilang engineer narin ho ang kinuha ho namin for the structure of the orphanage"

Pinag-masdan ko ang mga workers at ang mga informations about the project, nilipat ko naman ang pahina at doon ko nakita ang isang print ng design ng orphanage.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon