Northern Nights
Chapter 12Walang-wala ang isip ko at panay ang pag-papakawala ng malalim na pag-hinga dahil sa nangyare kagabi, hindi ko maintindihan kung galit ba sa akin si Van o ano.
Hindi ko naman sinasadya, hindi ko na sinabi sa kanya dahil sa ayaw ko na siyang maistorbo pero parang mas naging malala pa ata nung hindi ko sinabi.
Sa huling pag-tingin ko sa city ay nag-pakawala ako ng malalim na hininga. Nakahanda na ako para pumasok dahil maayos narin naman ang kalagayan ko pero ang isipan ko hindi.
Malalim ang iniisip ko dahil kay Van, hindi ako sigurado kung galit ba siya sa akin, hindi ko talaga mabasa kung ano ang iniisip niya noong gabing iyon.
Walang gana kong kinuha ang bag ko, tinanggal ko naman ang slippers na suot-suot ko at pinalitan ito ng puting sapatos. Mag-kakaroon kasi kami ngayon ng pe at tatakbo kami sa field.
Binuksan ko naman ang pinto ko at napunta ang tingin ko sa pinto ni Van, nakaalis na siguro siya ng hindi ko man lang namamalayan, hindi man lang siya nag-pakita sa akin ng umaga. Galit ba talaga siya sa akin?
Akmang paalis na ako ng biglang marinig ko ang pag-bukas ng pinto, napalingon ako at doon ko nakita si Van na naka-uniform na at ayos na ayos.
Nag-tama ang tingin namin pero agad niya itong iniwas na dahilan para mapayuko ako. Kahit na peke lang ang lahat ay may nararamdaman akong mali sa puso ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon.
"Ihatid na kita" malamig niyang sabi at nagulat ako ng biglang hawakan ang kamay ko at hilain ito. Napasunod ako sa kanya sa pag-lalakad at sa habang ako ay nasa likod ay hindi ko maiwasang tignan lang siya.
He's on a different mood, hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Ang bigat ng aura na dinadala niya ngayon and it's irritating dahil wala man lang akong alam at hindi niya sinasabi sa akin.
Hanggang sa makarating kami sa kotse ay hawak-hawak niya parin ang kamay ko. Tahimik lang siya pero ako ay todo ang kaba sa dibdib, walang salita ang lumabalas sa bibig niya na parang noon ay mas bumubungad pa siyang mag-salita kaysa sa akin.
"You can let go of my hand for you to drive comfortably" sabi ko pero sa kabila nun ay hindi niya binitawan ang kamay ko. He was unbothered at diretso lang ang tingin sa kalsada.
Mariin nalang akong napapikit dahil sa atmosphere na meron kami ngayon, parang mas malala ngayon dahil sa hindi niya ako kinakausap. Huhuh! Ano ba Aisha?! Bakit kasi hinayaan mo lang?
This is bothering me, wala akong iniisip kung 'di ang problema ni Van. Saan ba siya galit? Doon sa hindi ako nag-paalam o doon sa gabi na ako umuwi? Saan sa dalawa dahil sasabog na ang utak ko kakaisip.
Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng university, napunta naman ang tingin ko kay Van "Mauna na ako" dehadong sabi ko sa kanya.
Tumango naman ito at binitawan ang kamay ko na dahilan para makagat ko ang labi ko "Have a nice day" I said at bumaba na sa kotse niya.
Umalis na ito habang ako naman ay nakatunganga parin at sinusundan ng tingin ang kotse niyang papalayo "This is fucking me.." I said and hinimas ang noo ko dahil sa hindi na maganda ang pakiramdam ko.
Nagiging bothered ako pero unti-unti ng sumasakit ang ulo ko, uminom na ako kaninang umaga ng medicine pero parang mabilis atang nawala ito.
Wala na akong nagawa kung di ang pumasok nalang, my everyday routine ang pumasok at makinig hanggang sa ang mga tao naman ang makikinig sa akin.
Sa pag-pasok ko ay bumungad naman sa akin si Pia "Huy, ayos ka na?" tanong niya sa akin na dahilan para tumango naman ako bilang sagot.
"Aray!" nahawakan ko ang ulo ko dahil sa binatukan niya ako, masama ko itong tinignan at nag-hahanap ng dahilan kung bakit ako binatukan.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...