Northern Nights
Chapter 19"What the hell did she do to you?" he was looking at me being confuse at ako naman ay hindi ko maiwasan ang maging masama ang loob.
"Your ex a bitchy freak" ang sabi ko nalang dahil sa galit na nararamdaman ko. Ang kapal naman ng babaeng iyon, inalam niya talaga kung saan ako naka-tira para sabihin lang sa akin iyon.
Pumunta naman ako sa sofa at inayos ang mga unan na ginulo ni Francine, this is so out of control dahil pati ako nawawalan na ng gana dahil sa sinabi niya.
"May ginawa ba siya sayo?" tanong sa akin ni Van at nag-kukumahog na nilapitan ako, parang hindi ko muna kayang makipag-usap kahit kanino dahil sa nangyare, that girl sucks.
"You know her Van" malamig kong sabi at pumunta sa kusina matapos kong ayusin ang mga unan. Sinundan niya naman ako na dahilan para palihim akong mapakagat sa labi ko.
"Then bakit mo siya pinapasok? You can tell her na hindi puwede" he was spacing me out na dahilan para harapin ko siya with my irritated look.
"Van that's no sense, pinapasok ko siya dahil sinabi niya may pag-uusapan kami and it was all about you" this things irritates me, kapag galit na sa isa ay damay-damay na ang lahat.
"Hindi mo naman siya kailangang kausapin, hindi mo man lang ako tinext na nandito siya" habang patagal ng patagal ay mas lalong tumataas ang iritang nararamdaman ko kaya agad nanaman akong lumayo kay Van dahil baka sa kanya ko maibuhos ang galit ko.
"I'm still talking to you Aisha--"
"Kinausap ko siya kasi kaya ko naman, kinausap ko siya kasi alam kong may magagawa naman ako para tigilan ka na niya, hindi naman lahat ng haharapin ko base sayo e' tatawagin kita kaagad"
"Kinausap ko siya at pinaintindi sa kanya na wala na siyang babalikan sayo, na wala na siyang pag-asa sayo"
"But she's not like that Aisha! Sa tingin mo makukuha mo sa salita si Francine?"
Hindi ko maiwasan na tumaas ang boses ko maging ang kilay ko kay Van dahil parang pinapamukha niya sa akin na mali ang ginawa ko, tinulungan ko lang naman siya para layuan na siya ni Francine.
"Walang tulong ang ginawa mo Aisha, mas lalo mo lang binigyan ng rason si Francine para lapitan ako--"
"Then fucking defend yourself Van! Bakit parang kasalanan ko pa? Tinulungan lang kita Van kasi gusto ko makalimutan mo siya, para hindi ka na naiipit sa gulo"
I was trying to explain na ginawa ko iyon para sa kanya pero iba ang dating sa akin ng sinasabi niya. Parang isang mali pa na nag-salita ako kay Francine.
"You're not cautious Aisha, baka mamaya may masamang gawin siya sayo"
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Van, anong masamang gawin sa akin?
"Subukan niya dahil hindi ako mag-papatalo" sa sinabi ko ay nakita ko ang pag-gulo ni Van sa buhok niya. He's frustrated pero hindi niya alam na mas problemado ako kaysa sa kanya.
"Aisha you're not getting it, alam mo kung anong dapat mong gawin, you just need to pretend that you're my girlfriend, hindi mo kailangang labanan ang isang kagaya niya"
"But it's my responsibility to do that Van, Francine needs to stop para kahit matapos na ang lahat ng 'to ay hindi ka na niya guguluhin"
I'm totally drained dahil sa nangyayare, bakit parang palala ng palala ang lahat? Ang gusto ko lang naman maka-tulong pero bakit iba ang nakikita ni Van.
"Kasama rin ba sa pagiging fake girlfriend mo ang pangingielam sa nakaraan ko?"
He's totally being a jerk right now, ano bang kinagagalit niya? Yung pinapasok ko si Francine o yung pag-tulong ko?
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
Любовные романыRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...