Chapter 8

161 10 0
                                    

Northern Nights
Chapter 8

Iba't-ibang mga tao ang nakakasalamuha ko sa reunion, yung iba ay bagong pakikilala lang sa akin ni mommy at medyo pagod narin ako kakasalita dahil sa marami talaga sila.

Wala naman kasi akong ka-close dito dahil puro matatanda ang mga nandito, kung mayroong kasing edad ko ay tiyak na hindi ko naman sila kilala.

Sa totoo lang ay bored na bored na ako dito sa reunion party pero I'm trying my best dahil para kay mommy naman ito.

Kahit medyo matagal na ako dito sa reunion ay pinipilit ko paring mag-entertain.

"Aisha, hindi ka ba sasama sa kanila?" bungad na tanong sa akin ni mommy at tinuro ang mga babae at lalaki na parang nasa college life.

Umiling naman kaagad ako bilang sagot "No mommy, I can handle myself you can just enjoy the party" sabi ko dito habang nakangiti.

"Ma'am.." dumating ang isang assistant ni mommy "Nandito na ho si mister Kim" sabi nito na dahilan para mapangiti si mommy.

"Napa-late ata ang dating niya pero hayaan na natin, asaan na siya?" tanong ni mommy, tinuro naman ito ng assistant at sumunod naman si mommy.

Naiwan nanaman ako mag-isa na dahilan para mapasinghap ako, masyado ng maingay ang paligid ko medyo naiirita narin ako.

Tumayo ako para umalis sa hall, maganda kasi doon sa veranda mas tahimik hindi kagaya dito na maingay at ang worst is wala pa akong kausap.

Nag-tungo na ako sa veranda na kung saan ay walang katao-tao, kitang-kita ang mga ilaw at mga buildings ng city. Ito, ito ang gusto kong makita hindi ang maliliwanag na chandelier sa baba.

Inamoy ko ang masimoy na hangin na nag-lalakbay rin sa balat ko, unti-unti naman akong tumingin sa paa ko. Medyo nananakit narin ito na dahilan para tanggalin ko ang heels ko.

Sabi ko naman kasi kay Pia ay puwedeng mag-flat shoes naman ako pero ayaw niya, kailangan daw ay maging sosyal daw ako. Kahit papaano naman daw ay bumagay ako sa nanay ko.

Hindi nag-tagal ay umalis narin ako sa veranda, gamit ang mga paa kong walang suot-suot ay nag-lakad ako sa building.

Nilibot ko ang kompanya ng mga magulang ko, ang kompanyang balak nilang ibigay sa akin after graduation.

Sa pagkakataong iyon ay doon ko nakita kung ano ang narating ng mga magulang ko. Noong bata palang ako ay halos mag-kandahilo hilo na ako dahil sa closet ni mommy and now parang tinuturing niya naring isang closet ang bawat stores.

Noon halos hindi sila maubusan ng mga events na pupuntahan, knowing as a rich Asian ay hindi talaga sila mauubusan ng mga promotions and interviews.

Ako bilang anak nila I keep it as normal, oo anak ako ng mayaman pero hindi ko naman ginagamit iyon para matapakan ang ibang tao.

Naiinggit nga ako sa buhay ni Pia and maybe Van, nakikita ko kung gaano sila kakomportable sa buhay na mayroon sila.

And me? Hindi sa kinokontrol ako ng mga magulang ko but they are killing what I want to be.

Ini-expect ng magulang ko na magiging kagaya nila ako but they are wrong. Alam ko kung ano ang paninindigan ko, and I'm sure na magiging maayos and confident ako sa lagay na iyon.

And for Van? I can say that he's close to me, noong lumipat siya sa condo nag-karoon kaagad kami ng interaction.

Pero ang laking problema ang binigay ko sa kanya, hindi ko ba alam sa lahat ng kilala ko ay sa kanya ako babagsak.

I know na hindi ko pa siya lubos na kilala but I have no choice. Wala man lang akong alam sa family background niya.

Pero napaisip rin ako sa sinabi ni Pia, maaari ba talaga akong mahulog sa sarili kong plano? Maaari ba talagang mahulog ako kay Van?

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon