Northern Nights
Chapter 38"Are you really serious?" tanong sa akin ni Nicolai, kakapasok lang namin ng orphanage at mabuti nalang ay umalis na si Mr.Castro. Nag-sibalikan na ang lahat sa mga trabaho nila at hindi ko magawang makabalik sa opisina.
"Diba dapat nag-tratrabaho ka na?" nasa corridor lang ang tingin ko dahil balak kong kausapin si ma'am Brenda sa nangyare, alam kong nag-aalala siya pero ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat.
Hindi naman ako papayag na sisirain ng aroganteng lalaking iyon ang gagawin ko para sa mga bata.
"Grabe, hindi ko naman inaakala na ganito pala ang nililigawan ko" masama kong tinignan si Nicolai at huminto ako sa pag-lalakad.
"Wala namang nag-sabi sayo na ligawan mo ako" I said with a low voice, I saw him smiling and scratched his head.
"Tss, dagdag points yung ginawa mo. Napaka-angas mo" inirapan ko nalang ito dahil ang akala ko pa naman ay tungkol sa business ang pinag-uusapan namin, iba talaga ang tama nito sa akin.
"Pero seryoso ka? May balak kang bilhin ang kompanya niya?" umikot nanaman ako dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
"Kaya kong bilhin ang gusto ko--"
"Then bilhin mo ako" muntikan ng malaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Nicolai, nakakaloko pa itong nakangisi sa akin na para bang hinihintay niya rin ang banat ko pero hindi ko gagawin yun.
"Tss..just kidding you look serious"
"Stop with your banats" I said with a sharp look pero nagulat ako ng bigla niyang i-tap ang buhok ko at tignan niya ako ng pagkalalim-lalim. I was stunned for a second dahil parang inusisa ko ang mukha nito.
He smiled innocently "You did a great job for this orphanage" he said, kumurap ang mga mata ko at parang naramdaman ko ang pananakit ng puso ko.
I felt my knees trembling and also my throat cause finally may mag-acknowledge narin ng nagawa ko. Those words, iyon lang naman ang kailangan kong marinig sa magulang ko, iyon lang naman ang gusto kong marinig but Nicolai said it first.
"I can't believe that I'm courting a strong woman" parang naging isang musika ang boses niya sa isip ko. Napalunok ako dahil nararamdaman kong bibigay na ako. Gosh! Naiiyak ako.
"This orphanage deserves your project and I'm happy to see you standing to fight for them"
Kahit hindi ko pa naman siya lubos na kilala ay tagos na sa puso ang mga salitang binibitawan niya. Isang araw ay nagawa ko ng maging komportable sa lalaking nasa harap ko, hindi ko naman inaakala na ganito pala ang nakikita niya.
Nung nararamdaman ko na ang mga naiipong luha sa mata ko ay agad ko siyang hinampas sa braso na dahilan para masira ang pagiging kalmado niya.
"Para saan yun?" nag-tatakang tanong niya pero agad ko namang iniwas ang tingin ko para hindi niya mahalata ang nagsisi-ipon kong mga luha.
"Bumalik ka na nga sa construction site!" iwas ko dahil baka mamaya kung ano nanamang sabihin niya.
"Teka, umiiyak ka ba?"
Sabi ko na nga ba e' hindi ako makaka-isa sa mokong ito.
Agad kong pinunasan ang mata ko at nang tinignan ko siya ay lumabas ang nakakalokong ngisi sa mapula niyang labi. Sabi ko na nga ba hindi ako makakaalis eh.
"Bakit ka umiiyak? Masyado bang emotional ang sinabi ko?" tanong sa akin ni Nicolai na dahilan para tignan ko siya ng masama. Mas malakas ko ng hinampas ang braso niya na parang hindi naman siya tinablan dahil sa bruskong braso nito.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...