Chapter 3

275 16 0
                                    

Northern Nights
Chapter 3

"Mom, I don't understand anything you said, can you please talk slowly?" sabi ko sa phone dahil sa kausap ko si mommy.

Kasalukuyan akong nasa canteen habang ginagawa ang presentation para kay Miss Dagdag kahit bukas pa naman ang presentation ay ginagawa ko na para hindi na ako magahol sa oras.

Wala rin si Pia ngayon, hindi ko ba alam kung bakit hindi siya pumasok ngayon. Isang absent mo lang ang dami mo pa namang hahabulin.

"Aisha anak, ang sabi ko next year pagkatapos mong mag-aral diyan ay dito ka na maninirahan sa States"

"What? Do you really think that I can adopt the environment you have there?"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mommy, ako pupunta ng States para doon na mag-trabaho? I think I already declined as an answer.

"Anak,napag-usapan na namin ito ng daddy mo ayaw mo ba 'yun mag-kakasama tayo dito? Hindi ka na mahihirapan mag-isa" she said gracefully.

Napasinghap naman ako dahil sa sinabi niya, nilapag ko ang phone ko sa lamesa at pinag-patuloy ang paggawa ng presentation.

"But mom hindi ba parang biglaan naman itong pag-sabi niyo sa akin"

I think mahihirapan akong mag-adopt sa States, mas gusto ko kasing mag-trabaho dito at kaya ko naman kasi mag-isa.

"Kaya nga next year pa e' para naman makapag-handa ka and anak maganda ang magiging trabaho mo dito"

"Like what? Sakin niyo ipapasa ang kompanya niyo?" tanong ko sa kanya, you know what wala naman akong hilig sa kompanya kaya hindi talaga nila ako maaasahan sa ganyan.

"Aisha, this is a good opportunity for you don't miss the chance darling"

Napairap naman ako dahil sa sinabi ni mommy, hindi ko naman kayang iwan yung mga nagawa ko dito.

Bigla namang nag-ring ang bell na dahilan para mapa-tingin ako sa mga estudyante, nag-sisilabasan na sila ng canteen.

"Bye mom, tatawagan nalang kita kung hindi ako papayag" sabi ko sa phone ko.

"But Aisha--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito marahil kinuha ko na ang bag ko at lumabas narin ng canteen.

Pagkalabas ko ng canteen ay nakita ko ang mga kakapasok lang sa waiting area na mga estudyante, kumunot naman ang noo ko dahil sa pag-pasok nila.

Hindi ko namumukhaan ang mga mukha nila, siguro galing silang ibang school at may dapat gawin dito sa school.

Pero sa kalagitnaan ng kanilang pag-lalakad ay may umangat ang kamay at kumakaway ito na dahilan para kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa ng isang 'yun?" tanong ko sa sarili ko habang pinag-mamasdan ang braso na kumakaway.

Unti-unti ng nag-hihiwalay ang mga estudyante at parang isang malakas na hangin ang tumama sa akin na dahilan para liparin ang buhok ko.

Pero sa pagkakataong iyon ay doon ko nakita ang taong kumakaway sa akin, halong gulat at pag-tataka ang gumuhit sa mukha ko.

"What is he doing here?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan lang itong kumakaway sa akin.

Bumaba ako sa hagdan at nilapitan ito, naka-suot ito ng white shirt at blue jeans "What are you doing here Van?" tanong ko dito.

"Van, dito daw--"

Napatigil ang pag-sasalita ng isang lalaki dahil sa hindi ko alam na dahilan. Nakatingin lang ito sa akin na dahilan para tuluyan ko na itong iwasan.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon