Chapter 13

139 10 0
                                    

Northern Nights
Chapter 13

"Hindi mo sinabi na masama na ang pakiramdam mo buti nalang sinabi sa akin ni Pia na pinauwi ka" I'm staying still sa sofa at hindi magawang tingnan si Van na nag-luluto ng dinner. Hindi parin ako makapaniwala na nandito siya to take care of me.

"H-Hindi ko naman alam na may sakit na ako, I thought sandali lang yung pananakit ng ulo ko pero hindi pala" nakayuko lang ako at kinakalikot ang kamay ko. Sa totoo lang gusto ko ng mag-pahinga pero wala pa kasi akong kain at hindi pa ako nakakainom ng gamot ko.

"I told you to rest Aisha" he's calling my name and not the nickname, galit parin siya hanggang ngayon. Mas lalo ata itong nagalit nung tuluyan na akong mag-kasakit.

"Hindi naman iyon siguro sa pag-labas ko kahapon diba" I said as an excuse, ayoko lang na parang sinisisi niya ang lakad naming dalawa ni Brent na dahilan para mag-kasakit ako. His too sensitive at galit na galit siya.

"Ano na bang pinag-uusapan natin? Yung sakit mo o yung pag-alis mo kahapon ng walang paalam?" dammit! Pinapaalala niya nanaman sa akin ang nangyare noong gabing iyon na halos hindi na ako makatulog.

Kunot noo ko siyang tinignan at nakita kong nakapatong ang dalawang kamay nito sa counter. He's still fucking serious na hindi ko ba alam kung saang parte siya nagagalit.

"Van, are you mad dahil sa umalis ako ng walang paalam o dahil may kasama akong lalaki sa condo?" I can feel my voice getting deeper na ibig sabihin ay nagiging seryoso ako.

Ito ang sabi sa akin ni Pia, it's either sa dalawa siya nagagalit but I don't get it. Nag-tama ang dalawang kilay niya na dahilan para mas lalo akong kabahan, iba ang timpla niya ngayon ibang-iba sa nakikita kong inosenteng Van.

Inalis niya na ang kamay niya sa counter at pinag-patuloy na ang pag-luluto, parang unti-unti ng tumataas ang presyon ko dahil sa hindi niya man lang ako nagawang sagutin.

Paano ko malalaman kung hindi niya naman sinasabi sa akin? Anong silbi ng pag-tatanong ko kung wala naman akong makukuhang sagot?

Nakagat ko ang ibabang labi ko at naisara ko ang kamao ko. Dahil sa inis ay hindi ko na napigilan ang sarili ko, kahit na masama ang pakiramdam ko ay kailangan kong komprontahin si Van about this matter.

Hindi na ako makatulog dahil sa kung ano ba ang problema at mag-dadalawang araw ng wala siyang kibo na parang pakiramdam ko ay isang linggo na.

Napunta ako sa likod ni Van at napansin niya ata ang presensya ko sa likod niya dahil sa lumayo ito ng kaunti sa akin.

"Stop that" malamig na sabi ko pero hindi ito nakinig sa akin na dahilan para subukan kong pakalmahin ang sarili ko. Away na ba 'to o tampuhan lang?

"Van, stop that" mahinahon pero nakayukom parin ang kamao ko dahil sa pinipigilan ko ang inis na nararamdaman ko.

At doon ko nakuha ang atensyon niya, pinatay niya ang stove na naka-bukas at humarap sa akin na malamig ang tingin. Napasinghap naman ako at tuluyan ng nag-alala.

"If galit ka sakin puwede mong sabihin, don't be too hard on me Van" mahinahon kong sabi, parang unti-unti na akong nawawalan ng lakas at gusto ko nalang matulog pero Van's presence is still here na dahilan para mawala ang antok ko.

Diretso lang itong naka-tingin sa mga mata ko na dahilan para makaramdam ako ng sobrang pag-aalala "What is it? Dalawa lang ang dahilan na ibibigay ko sayo, is it because a man is in my condo or I left without saying it to you?"

I choose to calm down, mas minabuti ko ng babaan ang pride ko dahil sa ayoko ng maging malala ang sitwasyon. Hindi naman ako madamot sa mga salita but I take legal actions, ayokong kimkimin lang ito ni Van.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon