Northern Nights
Chapter 26"So kailan mangyayare ang project niyo?" tanong ko sa board na dahilan para mag-tinginan sila na para bang nag-hahanap sila ng tao kung sino ba ang sasagot sa tanong ko. Takot ba sila sa akin?
"A-Ahh next month ho ma'am" napunta naman ang tingin ko sa presentor ng project at halatang-halata ang pagiging kabado nito.
"Next month? How about the construction? Anong magiging istura? And how about the land?" sunod-sunod na tanong ko sa kanila.
"Ma'am nag-hahanap pa ho kami ng makakapag-bigay ng blueprint ng building, gusto po kasi naman is simple but comfortable ang mga bata"
Napatango ako dahil sa balak nila but one month? Sigurado ba silang kumpleto na ang kailangan nila sa isnag buwan lang? Ang laking investment ang gagawin nila para sa project na to.
"Okay, may aalma ba kung sasama ako?"
Alam kong kakarating ko lang at halos wala pa akong alam sa takbo ng kompanya dito pero gusto ko na itong simulan para naman matapos na ang lahat at matahimik na ang tatay ko.
Nakita ko namana ng pag-iling nila na dahilan para mapa-ngisi ako, dahil sa pag-payag nila ay tumayo na ako "I hope this project will be successful, I think I've enough from you mister?"
Naka-tingin lang ako sa presentor na nerd "Alvin ma'am" he said to me while smiling. Naintindihan ko ang sinabi niya at magaling siya dahil sa alam niya ang magiging process dahil sa tulong narin ng iba.
"Thank you mister Alvin and also for all you, I just came back but I want to join all of your ideas" I said to them while smiling the reason why they smiled also and nod at me.
Hindi nag-tagal ay lumabas na ako ng kwarto at nag-lakad muli sa malaking corridor, agad namang sumunod sa akin si Erin at Denver "Saan po ang punta ma'am?"
"Want to eat?" tanong ko sa kanila at niliko ang corridor at bumungad sa akin ang waiting area. Ilang and oras lang naman ang inabot ko sa kompanya, kakabalik ko lang at ayaw ko naman sagarin ang unang araw ko.
"Ma'am gusto niyo bang kumain mag-isa--"
"Niyayaya ko kayo" pag-putol ko sa balak na suggestion ni Denver, gusto ko lang namang kumain kasama sila. Ayoko namang mapag-isa ako habang kumakain.
"But ma'am--"
"Kakain tayo" wala namang masama kung kasama ko silang kumain, they are my friend.
Hindi na nakapalag si Denver at Erin sa gusto ko at nag-punta naman kami sa mall para kumain.
Gusto pa nga nung dalawa na kahit ako nalang ang kumain pero hindi nila ako matitigil, gusto ko lang naman na makasama sila at maka-usap.
"Ma'am, ilang taon ho kayo sa States?" tanong sa akin ni Denver na dahilan para tumaas ang kilay ko sa kanya. Nakita ko ang biglang pag-yuko nito ng makita niya ang reaksyon ko sa tanong niya.
Binaba ko ang kubyertos ko at simpleng sinagot ang tanong niya "Limang taon, limang taon akong nasa States"
"Edi ma'am 22 palang ho kayo umalis na kayo? Paano yung college niyo?" ang sunod na tanong naman sa akin ni Erin, kung tutuusin ang parang mga edukadong mga tao ang kasama ko pero hindi ko alam kung bakit naatasan silang maging guard ko.
"Hindi ko na tinapos ang last year ko in college, dumiretso na ako ng States at hindi na pumunta sa graduation" nakangising sabi ko, isipin mo iniwan ko ang diploma ko para lang sa limang taong pag-hihirap sa kompanya ng daddy ko.
Mas gugustuhin ko ng kuhain ang diploma ko kaysa sa buhay na ganito, pinag-sisisihan ko na hindi ko man lang tinapos ang last year ko for college, yung pakiramdam na nakapag-tapos ako iyon ang hindi ko naramdaman.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...