Chapter 16

147 9 0
                                    

Northern Nights
Chapter 16

"So matutuloy na talaga yung pag-alis mo?" tanong sa akin ni Pia and she's not shocked na aalis parin ako "Sabi ko naman kasi walang mangyayare sa plano mo"

Blangko ko siyang tinignan dahil pagod na pagod ang katawan ko dahil sa mga nangyayare. I'm too frustrated dahil si Pia palang ang napag-sasabihan ko.

"Hindi mo na tatapusin itong year na to?" tanong sa akin ni Pia, agad naman akong umiling bilang sagot sa kanya. Ayaw kong umalis, sobrang ayaw kong umalis.

"Aisha, I know it's hard but you need to sacrifice" as Pia said that I felt the anger going up to my head. Sa tingin niya ngayon lang ako mag-sasakripisyo? Ilang beses na ako nag-paubaya at nag-sunod sunuran sa magulang ko.

"Nasabi mo na 'to kay Van? Kailangan niyang malaman 'to, walang nangyare sa plano mo kaya makipag-hiwalay ka na"

Inaalala ko rin si Van, I totally wasted his time dahil napunta lang sa wala ang ginawa namin. Lahat ng pag-panggap namin ay walang pinatunguhan.

"Mom told me to break up with him" even my mother didn't know everything, ang alam niya nasasaktan ang anak niya dahil sa sitwasyon nito pero hindi niya alam na doble ang ginawa niya dahil ayaw kong umalis.

"Si tita na pala ang nag-sabi, bakit hindi mo na sabihin kapag sinundo ka niya--"

"No, it's not the right time para sabihin ito sa kanya" agad akong umayaw na sabihin ito kay Van dahil sa hindi ko alam na dahilan. Ayaw ko bang malaman niya dahil sa ayaw kong malaman niya na wala ang ginawa namin o dahil sa ayaw kong makipag-hiwalay?

"Kailan pa? Aisha, tuloy na ang pag-alis mo at wala ka ng magagawa" Pia is diving me to reality, alam niyang wala na akong magagawa kaya maaga palang ay pinapasabi niya na sa akin para hindi na ako mahirapan.

"Pia, hindi maganda ang kondisyon ni Van ngayon and kailangan niya ng masasandalan--"

"Ang alam ko peke lang ang lahat--"

"Pero ang pagiging kaibigan ko at pag-mamalasakit ko hindi" nandito ako kapag kailangan niya ako, as I said to him. Ayokong iwan nalang lahat habang siya nag-dudusa.

"Kailangan ko muna siyang ayusin Pia, kailangan gumaan ang pakiramdam niya para hindi siya mahirapan"

"But the point is, kapag gumaan na ang pakiramdam niya ay babalik rin 'yun sa dati kasi makikipag-hiwalay ka na" anong babalik? Babalik ang lungkot ni Van dahil sa hihiwalayan ko siya?

"Isang palabas lang ang lahat Pia--"

"And you think paniniwalaan kita?"

Sa pag-putol sa akin ni Pia ay parang napa-atras ang lahat ng sasabihin ko, isang palabas lang ba talaga ang lahat? Iyon ang iniisip ko pero yung pakiramdam sa puso ko iba.

"Alam mo Aisha na hindi palabas ang ginagawa niyo dahil ikaw mismo totoo na ang nararamdaman mo at ganon din si Van--"

"No Pia, walang nararamdaman si Van kahit ako, ginawa namin ito para hindi ako umalis but in the end walang nangyare. Mag-hihiwalay kami at babalik na sa dati ang mga buhay namin"

Bakit may humihila sa akin na huwag gawin ang bagay na iyon? After kong damayan si Van ay agad ko namang ipapaalam sa kanya ang isang magandang balita. Magandang balita na tatapusin na namin ang pekeng relasyon na meron kami.

"Grabe ka Aisha, so ang habol mo lang is ang pangarap mo? Pero hindi mo inaalala ang mararamdaman ni Van?"

I'm completely messed up, wala na akong maisip na paraan dahil sa paunti-unti na ang araw ng pag-alis ko na hindi ko na mapipigilan.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon