Chapter 44

136 8 0
                                    

Northern Nights
Chapter 44

"Dahan, dahan.." sabi ni mommy dahil akma sana akong uupo pero mabuti nalang ay inalalayan niya ako. Saglitan naman akong napa-ngisi at kumuha ng prutas malapit sa table na dinala ni mommy para sa akin.

"Nga pala, sinabi sa akin ng daddy mo na may manliligaw ka daw" saglit akong natigilan dahil sa sinabi ni mommy, aabot naman sa kanya kaagad iyon dahil madaldal si daddy. Kinagatan ko naman ang apple at unti-unting tumango sa kanya.

"Bakit hindi mo naman sinabi kaagad? And sabi ng daddy mo dumalaw daw siya dito, sayang hindi ko siya nakita" naka-ngusong sabi ni mommy na dahilan para umawang ang labi ko.

Pang-apat na araw ko na dito sa hospital at inaamin ko ay bagot na bagot na ako, kulang nalang ay sumakit na ang likod ko dahil lagi lang akong nakahiga. Gusto ko ng umuwi ang kaso kailangan ko pang pagalingin ang binti ko.

"Pero gwapo ba siya nak? Kailan mo balak sagutin?" ang tanong sa akin ni mommy at doon ako napa-iling, puwedeng dahan-dahan lang sa tanong? Parang nung isang araw lang ay halos bumaha na ang kwarto ko dahil sa pag-iyak niya pero ngayon ay tinatadtad niya na ako ng tanong tungkol kay Nicolai.

"Mom, hindi ba sinabi sa inyo ni daddy kung sino siya?" ang tanong ko dito na kaagad naman siyang umiling.

"Ang naalala niya lang ay isa siyang engineer na kasama mo sa project" sabi ni mommy at parang kunwaring iniisip pa kung ano pang sinabi sa kanya ni daddy.

Tumawa nalang ako dahil sa gusto niyang makilala si Nicolai pero sayang lang dahil hindi niya ito naabutan kahapon. Isa pa si Nicolai, bantay sarado ako sa kanya kahapon, kung anong aabutin ko ay kukunin niya kahit nga pag-balat ng saging ay siya pa ang gumagawa.

"Engr. Nicolai Buenaventura, 'yon ang pangalan niya" ang usal ko habang hindi mapigilan ang ngiti sa labi ko. Nakita ko naman ang pagkamangha ni mommy sa pangalan na sinabi ko na dahilan para kumunot ang noo ko.

"Grabe, sa pangalan palang ay kuhang-kuha na ang loob ko" sino namang hindi mapapalapit kay Nicolai, parang bata kung gumalaw pero he's a matured man. Nakakatuwa lang na makita kahapon kung gaano siya karespeto kay daddy.

"Pero kailan ba siya pupunta dito ulit? Papuntahin mo para naman makilala ko na siya" parang bata si mommy at napa-iling nalang ako. 

Actually hindi makakapunta si Nicolai dahil may family business sila "Sa susunod nalang" nakita ko ang pag-nguso ni mommy dahil hindi ko siya napag-bigyan. Hinayaan ko nalang ito dahil may kailangan rin namang gawin si Nicolai, ayoko siyang maistorbo.

"Pero mom, alam ba ng media kung anong nangyare sa akin?" kahit itanong ko naman ay malalaman kong nasa media ako.Nakita ko ang biglang pag-seryoso ng mukha ni mommy, hinimas niya ang batok niya na para bang namomoblema ito.

"Oo anak, araw-araw nga silang nandito sa hospital pero mabuti nalang ay napapa-alis sila ng security. Kahit nga pag-punta namin ay alam nila, nakakasawa rin na kahit privacy nating pamilya ay gusto nilang makisawsaw"

Alam ko naman kung gaano katutok ang media sa amin and to know na nangyare ito sa akin ay sino bang hindi makakapag-pigil ng trabaho nila. Kailangan nila ng balita para maibigay sa mga tao.

"Pero mom, ilang araw na ako dito at wala parin akong balita sa orphanage" bigla ko nalang naalala ang orphanage, ang naalala ko lang ay nasa orphanage ako. Ni wala ngang nag-sasabi sa akin kung ano ba talagang nangyare.

"Anak, a-ayos naman yung orphanage" nauutal na sabi ni mommy na hindi tumitingin sa akin na dahilan para kumunot ang noo ko.

"Kailan ba kasi ako puwedeng umalis dito? Gusto ko ng makita kung ano ng nangyayare sa orphanage" namimiss ko na yung mga bata, panigurado akong hinahanap na nila ako at paniguradong nag-aalala sila sa akin.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon