Northern Nights
Chapter 42"Are you listening to me?"
Parang nabuhusan ako ng tubig na dahilan para bumalik ako sa diwa ko at tinignan si Nicolai na ngayon ay nakakunot ang noo. Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil nakatulala lang ako habang naka-tingin sa labas.
Papunta kami ngayon sa orphanage, sinama nanaman ako ni Nicolai para naman daw makita ko kung gaano ang improvement ng orphanage at wala naman ako magawa. Iniwan ko ang mga gawain para sumama sa kanya.
Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Francine, ayaw niyang mawala sa kanya si Van at gagawin niya ang lahat para dito pero magagawa niya lang iyon kapag sinagot ko na si Nicolai.
Walang kaalam-alam si Nicolai sa nangyayare, nag-sinungaling ako sa kanya at ayaw ko naman siyang madamay. Ayokong masaktan ang nararamdaman niya dahil sa nakaraan.
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil hindi ko narinig ang sinabi niya, wala ako sa focus at sure ako ay nag-tataka na siya "I'm sorry, what are you talking about?" frustrated kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang pag-iling niya at diretso paring naka-tingin sa daan "Forget it, mukhang may gumugulo sa isip mo" nabasa niya siguro ang galaw ko, kahit sino naman ay mararamdaman 'yon dahil parang lutang nga talaga ako.
"What is it?" seryosong tanong niya sa akin na dahilan para tumikhim ako, hindi ko puwedeng sabihin sa kanya, hindi pa ito ang tamang panahon.
"Marami lang akong ginagawa, Nicolai" pag-papalusot ko, hindi ko puwedeng sabihin na wala lang dahil nabasa niya na ako, kukulitin niya ako hanggang sa sabihin ko sa kanya kung anong bumabagabag sa isip ko.
"Then take a rest, mag-leave ka kahit isang araw lang" advice niya na dahilan para umiling ako, kahit naman mag-leave ako ay hindi mawawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Francine.
Para bang gusto niya na akong itali kay Nicolai para wala ng magawa si Van, I mean binubuo ko pa ang sarili ko para mas lalong makilala si Nicolai, alam niya rin naman na nag-aadjust pa ako kaya mag-hihintay siya.
"Hindi puwede, ngayon ako kailangan dahil sa project at baka tambakan nanaman ako ng gawain" totoo namang marami akong ginagawa, ngayon ko nararanasan ang nangyayare kay daddy.
It's hard to run a business, puro meeting dito, pirma doon, pakilala dito. Nakakapagod lang pero masaya naman ako dahil sa mga nangyayare ang kaso lang ay hindi ko na magawang mabalanse ang oras na meron ako.
"Maiintindihan naman siguro nila, look at you.." kumunot naman ang noo ko at tinignan ang sarili ko sa side mirror, ano namang meron sa akin?
"Bakit, mukha ba akong haggard?" tanong ko dito habang naka-nguso na dahilan para ngumisi siya.
"Hindi naman, you still look beautiful" he said while smirking na dahilan para umirap ako.
"But a rest will do, mas lalo kang gaganda kung may tamang pahinga ka"
Totoo naman ang sinabi niya pero ano namang gagawin ko sa condo?
"By the way, hinahanap parin ba si Nardo?"
Muntikan ko ng makalimutan ang lalaking iyon, patuloy parin naman ang pag-hahanap ni Denver at Erin sa kaya. Ang sabi ng mga nakakita sa kanya ay dala-dala na nito ang mga gamit niya, ni hindi na daw ito bumalik sa bahay niya after what happened.
"Yes.." maikli kong sabi
"Ginagawa naman siguro ni Denver at Erin ang lahat para mahuli siya diba?" tumango naman ako bilang sagot, alam ko namang hindi ako bibiguin ni Denver at Erin.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomansaRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...