Chapter 2

403 20 0
                                    

Northern Nights
Chapter 2

"What are you doing here? Hindi mo ako kinausap ng ilang araw ah" malamig na sabi ni Pia na hindi man lang tinitignan si Jansen.

Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya, hindi parin pala nakakalimutan yung ginawa sa kanya ni Kim maging si Jansen. Pero ang malala ay hindi sila nag-pansinan.

"Sabi ni tita lagi kang nasa club, are you really serious Pia?" tanong ni Jansen na may halong pag-aalala na nahalata ko naman kaagad.

Tama ang sabi niya, nasabi rin sa akin iyon ng mama ni Pia na panay ang punta nito sa club dahil sa niyayaya ng mga kaklase niya. Pero ito namang si Pia hindi marunong tumanggi.

"What? Ano namang balak mo? Hindi mo na ako papansinin ng isang buwan? Isang taon?" panay ang sulat lang ni Pia sa kanyang notebook, kunwari ay may ginagawa ito pero wala naman talaga. Kahit kailan talaga Pia.

"Pia, pinalamig ko lang ang ulo mo nun. Alam kong nagulat ka dahil tinulungan ko si Kim instead of you" Jansen said at nakita ko ang pag-higpit ng hawak ni Pia sa kanyang ballpen.

Narinig nanaman niya ang pangalan ni Kim na dahilan para maalala niya ang ginawa niyang pag-sabotahe sa project nila.

"Yah, halata naman sa mukha ko Jansen pero ang hindi ako kausapin ng ilang araw. Alam mo bang panay ang takbo ng isip ko kung kailan mo ba ako kakausapin" unti-unti ng tumataas ang boses ni Pia na ibigsabihin ay kaunti nalang ay nagagalit na ito.

Sinenyasan ko naman si Jansen na pakalmahin lang at dahan-dahanin ang bawat salitang sasabihin nito "It's because you need space dahil sa nangyare, alam ko naman kung gaano kahalaga yung project na iyon sayo. And you think wala akong ginawa nung nalaman kong sinabotahe kayo ni Kim?"

Unti-unti namang tumingin si Pia kay Jansen na may kunot sa noo "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Pia sa kanya.

Nakita ko naman ang malalim na pag-hinga ni Jansen na dahilan para mapapikit nalang talaga ako. Alam ko namang hindi niya hahayaan ang kabigan ko e' pagdating sa mga ganitong bagay.

"Kinausap ko ang prof and I said all the details na nalaman ko and he said bibigyan niya daw ng failing grade ang grupo ni Kim" sabi ni Jansen at kitang-kita naman ang maliit na pag-ngiti ni Pia dahil dito.

Unting salita haharot narin si Pia kaya masasabing marupok talaga, kung sino pa yung galit siya pa ang unang natalo "Akala ko naman kung hahayaan mo lang na ganon ang mangyare sa akin" she said while pouting habang ako naman ay pekeng nakangiti.

"I got you okay? Nabigla lang ako sa ginawa mo kay Kim, parang wala ng bukas yung pananabunot mo sa kanya e"

"Aww, I really love you" sabi ni Pia at tumayo para mahigpit na yakapin si Jansen habang ako ay kinain ko nalang ang tinapay na dala-dala ko. Nasanay na ako sa ganyan nila, hindi ko naman maiiwasan diba.

"I love you too"

Pusang gala talaga no "Alam niyo lumayo nga kayo sakin at baka masakal ko kayong dalawa" sabi ko sa kanila at binato ang plastic na galing sa tinapay ko.

"Hmp! You're just jealous Aisha ayaw pa kasing mag-jowa, find a man--"

"Let's not find a man, let's start with that" I cut her, alam ko namang aasarin at pupunan nanaman niya ako ng mga love words niya para mag-karoon ako but I'm not looking for it, I don't need it.

Wala naman akong nararamdaman na landi sa katawan ko e' anong ibibigay ko sa lalaki libro? Utak ko? Walang kalandian itong katawan ko kaya aasa pa ba ako sa mga ganyan?

Ibang-iba ako kay Pia, kung siya active siya sa love kabaliktaran ko naman siya. Hindi ko naman pinapakawalan ang chance pero kasi alam mo yung wala namang nag-paparamdam at kailan man walang darating.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon