Northern Nights
Chapter 23Ang pag-baba ng eroplano ang hudyat na nandito na ako sa Pilipinas, nag-salita narin ang piloto na ihanda na ang mga gamit namin para maka-baba kami kaagad.
Napa-tingin ako sa bintana at doon ko nakita ang airport, napasinghap ako at unti-unting napangiti. Parang nawala ang pagod ko ng makita ang bandila ng Pilipinas.
"I'm here.." sabi ko habang hindi mawala ang ngiti sa labi ko, unti-unting namuo ang mga luha sa mata ko dahil sa saya na nararamdaman ko.
Finally after 5 years, nakauwi narin ako, pag-katapos ng limang taon ay heto ako tatapak na ako sa iniwan ko.
Nang makalapag na at ayos na ang eroplano ay agad-agad kinuha ng mga tao ang mga gamit nila habang ako naman ay tumayo lang.
Nag-bukas na ang pinto ng eroplano at unti-unti ng nag-silabasan ang mga tao, isa na ako sa bumaba at naamoy kaagad ang simoy ng hangin.
Sa malakas na hangin ay nagulo ang buhok ko na dahilan mapunta ito sa mukha ko. Agad akong napa-ngiti sa pag-baba ko, tumatama ang sinag ng araw sa balat ko at pakiramdam ko talaga ay nandito na ako.
Huminto ako at tinignan ang kapaligiran, five years ang nakakaraan nung dito rin ako sumakay ng eroplano at masaya ako na nakabalik na ako.
Sa pag-mamadali ay agad ko ng kinuha ang bagahe ko at pinasalamatan ang nag-buhat dito.
Dahil sa excited na ako ay lumabas na ako ng airport na may malaking ngiti sa labi ko. Nakakamiss ang lugar na ito, it's good to be back after the struggles na pinagdaanan ko.
Akmang mag-lalakad na sana ako ng biglang may lumapit sa akin na dalawang lalaki na naka-tuxedo, agad na kumunot ang noo ko at tinago ang maleta sa likod ko.
"Who are you? What do you need?" seryoso kong tanong sa kanila. Nakita ko ang pag-tinginan nila sa isa't-isa na mas kinakaba ko, anong gagawin nila?
"Who are you--"
Naputol ang pag-sasalita ko ng bigla silang yumuko ng bahagya sa harapan ko, anong ginagawa nila? Bakit sila yumuyuko sa harapan ko? Sino ba sila?
"What are you doing?" hindi ko napigilang tumaas ang kilay ko dahil sa ginawa nila, sa tingin nila makikilala ko sila? They are wearing tuxedo, ano? May meeting ba?
"Kami ho ang susundo para ihatid kayo sa tutuluyan niyo"
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ng isang lalaking naka-tuxedo, anong susundo? Atsaka anong tutuluyan?
Muli silang nag-tinginan na dahilan para unti-unti na akong malinawan, tumango naman ako at mataray silang tinignan, ayaw talaga patinag.
"Do you take orders from my father? Siya ba ang nag-sabi sa inyo na sunduin ako?" mataray na tanong ko sa kanila na dahilan para pareho silang tumango.
Mariin ko namang pinikit ang mga mata ko dahil ginawa nanaman ito ni daddy, ano bang tingin niya sa akin? Kinkonsidera niya ba talaga akong walang utak?
"Ma'am, sabi ho ni sir ay ihahatid po namin kayo--"
"At sinabi ko bang gusto ko?" mataray na sabi ko na dahilan para mapa-layo sila sa akin ng kaunti, I guess nailalabas ko ang ugali ko dahil sa kagagawan ng tatay ko, ang laki talagang epekto ng ginawa niya sa akin, hayss.
Bigla namang tumunog ang phone ko na dahilan para kunin ko ito, nakita kong si mommy ang tumatawag na dahilan para mapasinghap ako. Heto nanaman siya sa pagiging kontrolado sa akin, ano ba talagang gusto niya?
"What is this? Ano nanamang pakulo ang gusto niyo?" hindi ko na hinayaan na maunahan ako ni mommy dahil sasabihin niya rin naman sa akin na sundin ko nalang.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...