Northern Nights
Chapter 39"Hmm.." unti kong ginalaw ang braso ko dahil sa hapdi ng sugat na nakuha ko sa pag-kabagsak, pinilit kong hindi agawin ang braso ko pero masakit talaga lalo na't dinidikit pa ni Nicolai ang bulak sa pinaka-gitna kung saan masakit.
Seryoso naman siyang sinilip ako at binalik ulit sa pag-lilinis ng sugat ko, ang sabi pa niya sa akin ay dapat pumunta kami sa hospital pero hindi na ako pumayag dahil sugat lang naman ito kaya siya na ang nag-insist na mag-linis nito.
Alas-otso na ng gabi, gusto ko na ngang pauwiin si Nicolai pero sabi niya ay tatapusin niya muna ang sugat ko. Alam narin ni Denver at Erin ang nangyare kaya doble pag-mamasid nanaman ang gagawin nila.
Iniisip ko tuloy kung ano bang gagawin ni Nardo dahil hindi ko maibigay ang gusto niya, he's eyes are in rage na para bang anytime ay kaya niya akong saktan at iyon na nga ang nangyare.
I'm sure more securities ang dadagdag dahil sa nangyare, maging ang kompanya ay alam na ang nangyare kahit gabi ay present parin ang security kaya iniisip ko kung anong mangyayare sa akin bukas.
"Aray.." napa-daing muli ako sa sakit ng ilagay ni Nicolai ang bulak sa gitnang parte ng sugat ko kung saan marami itong dugo, ngumuso nalang ako dahil sa sakit. Wala naman ako magagawa kaysa naman sa hayaan kong dumugo ang braso ko diba.
"Sino ba yung lalaking 'yon?" kanina pa siya tahimik dahil sa focus siya sa pag-lilinis ng sugat ko, malalim ang boses niya at halatang nagagalit ito dahil sa nangyare sa akin.
Suminghap ako at pinag-masdan siyang nasa braso ko parin ang atensyon "He's Nardo Filemon.." I said hopelessly, para akong nawalan ng kaluluwa dahil sa takot at hinang-hina na ako.
"He's a former board member of the company, pinaalis siya ni daddy and walang nakaka-alam kung bakit" unti-unti ng nilagyan ni Nicolai ng betadine ang sugat ko para naman matapos na at malagyan niya na ito ng benda dahil kailangan niya naring umuwi.
"Ang sabi niya sa akin ay ibalik ko siya sa kompanya dahil siya ang dahilan kung bakit lumago ang business ni dad... I refused kaya siya nagalit" halos mapa-iling nalang ako dahil naaalala ko ang mga mata niya. Malalalim na pag-hinga ang naibibigay ko dahil sa takot na baka kung anong gawin niya sa akin.
"Pero hindi ka naman niya kailangang saktan" he said with a low voice the reason why I sighed
"May bipolar disorder siya" tumingin sa akin si Nicolai na naka-kunot ang noo, tumikhim ako at pilit iniintindi ang kondisyon ni Nardo.
"Hindi ko naman puwedeng gawin kaagad ang gusto niya kaya siguro nasaktan niya ako"
"Maybe 'yon ang nag-trigger sa kanya" tumango naman ako bilang pagsang-ayon kay Nicolai, nilagyan niya na ng bandage ang sugat ko at ako naman ay pinag-masdan lang ito.
"You should go home para makapag-pahinga ka na" I said dahil sa gabi na pero hindi ito tumayo sa upuan na dahilan para tumaas ang kilay ko, anong hinihintay niya?
"What, Hindi ka pa ba uuwi? taas-kilay kong tanong sa kanya but he stared at me with a deep look na para bang inuusisa niya bawat parte ng mukha ko.
"Umuwi ka na kasi kailangan mo ng mag-pahinga--"
"You're scared right?" pag-putol niya sa akin na dahilan para ilang segundo akong hindi maka-sagot, matalim ang tingin niya sa akin na para bang anytime at tatagos na ito. I'm trying to fight his gaze pero parang nagiging visible ako sa kanya.
Tumikhim ako at iniwas ang tingin ko dito para iligpit ang mga gamit sa table "You should go home Nicolai" nilagay ko na sa box ang pinag-gamitan para sa sugat ko, napunta sa kanya ang nang-hihina kong tingin.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...