Chapter 45

139 7 0
                                    

Northern Nights
Chapter 45

"Handa ka na ba?" ang tanong sa akin ni mommy na dahilan para alanganin akong tumango sa kanya. Ngayon ang discharge ko sa hospital at panigurado akong alam ito ng media kaya sa ibang pinto kami lalabas.

Kasama ko ngayon si mommy at si Denver at Erin para lumabas kami sa emergency exit kung saan patungo rin ito sa parking lot ng sasakyan. Nakahanda na ang kotseng gagamitin namin para maiwasan ang media sa harap ng hospital.

Si daddy ang humarap sa media at hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero siya ang lumilito sa media para hindi na nila ako guluhin.

Sa ilang araw na panantili ko sa hospital ay unti-unti naring humihilom ang mga sugat ko sa binti maging ang nakuha kong bali sa mga malalaking bato. Mabuti nga at gumaling na ito dahil kapag wala ng paraan ay baka parehong putulin ang binti ko.

After I heard about what happened sa orphanage ay hindi ako nakatulog ng maayos, I cried because of the workers who are already dead. Simula ng nalaman ko iyon ay nagalit si mommy kay Van at Francine.

Kaya pala kinausap ni mommy si Van at Francine na pinakiusapan niya ito na huwag munang sabihin sa akin ang nangyare dahil baka lumala ang pakiramdam ko and now na nangyare na ang sinasabi niya ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.

Tuluyan na nga kaming naka-pasok ng van at hindi nag-tagal ay umalis na kami, tahimik lang akong naka-tingin sa labas ng bintana ng sumagi sa isipan ko ang tunog ng pag-sabog ng bomba na dahilan para mariin kong pinikit ang mga mata ko.

I groaned the reason why my mom held my hand, agad akong napa-tingin sa kanya habang nangingilid ang mga luha sa mata ko.

"Please don't hurt yourself, it's not your fault" mom said trying to cheer me up pero wala itong nagagawa sa akin dahil paulit-ulit sumasagi sa isipan ko ang nangyare.

"Who did it?" matapang kong tanong na dahilan para manginig ang labi ni mommy na para bang hinahanap niya ang tamang salitang sasabihin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, I'm need a fucking answer kung sinong gumawa nito.

Napunta naman ang tingin ko kay Erin na ngayon ay tahimik na naka-upo sa front seat "Erin,who did it? Denver?" nag-hahanap ako ng sagot at tahimik sila na dahilan para mapuno ako.

"Who did it?!" sigaw ko na dahilan para mataranta ang nanay ko.

"Anak, kumalma ka--"

"Paano ako kakalma?! Maraming taong namatay sa sa pag-bomba!" pati ako ay natataranta at nagagalit dahil wala akong magawa dahil sa kondisyon ko.

"I need a fucking answer mom" nakita ko ang pag-singhap ni mommy na dahilan para makagat ko ang ibabang parte ng labi ko.

"It's Nardo" Erin said na dahilan para matigilan ako, ilang segundo akong hindi nakapag-salita na para bang pinipilit kong i-process ang sinabi niya.

"A-Ano?" nauutal kong tanong dito

He sighed and looked at me with a sharp eyes "Si Nardo ang nag-planta ng bomba sa construction" walang tigil na sabi ni Erin na dahilan para masamang tumingin si mommy sa kanya.

"Erin, stop" matalim na sabi ni mommy na dahilan para umayos nalang ng upo si Erin.

Siya ang nag-planta ng bomba sa orphanage? Bakit? Dahil ba hindi ko sinunod ang gusto niya? Dahil ba doon kailangan niya ng mag-planta ng bomba ng hindi man lang iniisip ang ibang tao?

Kung ako ang gusto niyang puntiryahin ay sana hindi niya dinamay ang mga inosenteng tao, nag-tataguyod lang sila sa pamilya nila pero namatay sila dahil sa galit nito.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon