Northern Nights
Chapter 22"Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo?" tanong sa akin ni mommy na hindi matigil sa pag-luha, nandito kami ngayon sa kwarto ko at punong-puno ng mga damit ang kama ko dahil nag-eempake ako.
"Mom, sa tingin niyo ba mapipigilan niyo pa ako? Ang akala ko ay makakabuti sa akin ang tumira dito pero hindi pala, iniwan ko ang lahat para lang dito" sabi ko at tiniklop ang mga damit at dire-diretsong nilagay sa maleta ko.
"Pero Aisha, kailangan kita, kailangan ka ng daddy mo" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni mommy, nababaliw na ba siya? Hindi niya ba narinig kung ano ang mga pinag-sasabi sa akin ni daddy?
Anong kailangan? Paanong kailangan? Ang alam ko hindi naman niya pinaramdam sa akin 'yun na kailangan niya ako, siguro pilit nalang yung pag-papapunta niya sa akin dito noon.
Hindi na ako maniniwala dahil sirang-sira na ang buhay ko and I regret na sinayang ko ang buhay ko para dito, sinayang ko ang gusto ko para dito. I don't deserve this, mas gusto ko pang mabuhay ng normal kaysa sa maging mayaman.
"Mom, hindi mo ba narinig ang sabi ni daddy? I'm just a failure hindi pa ba sapat 'yun para ipakita na hindi niya ako kailangan?" gusto ko ng makawala sa buhay na ito, hindi ko naman hiniling ito, kung sino pa ang bumuo sa iyo siya rin pala ang gagawa ng paraan para saktan ka.
"Anak, hindi niya sinasadya iyon maniwala ka sakin"
Padabog kong sinara ang maleta ko at tinayo ito, kinuha ko naman ang phone ko para ayusin na ang lahat pero naguat ako ng biglang kinuha ni mommy ang phone ko "Hindi Aisha.." kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya at pilit na kumakalma.
"Give me back my phone" malamig kong sabi pero umiling sa akin si mommy at tinago ang phone sa likod niya.
Mariin kong napikit ang mga mata ko at nasapo nalang ang noo ko dahil sa problemang kinakaharap ko, bakit ko ba hinayang lumaki ito ng ganito? Nag-expect ba ako sa sarili ko na kaya ko? O sadyang wala talaga akong kayang gawin?
"Mas pinapahirapan niyo ako sa ginagawa niyo" nasasaktan ko si mommy pero paano naman ako? Itatanggi ko nalang ba ang lahat? Ano naman kung mayaman ako kung ganito naman ang buhay ko?
"Aisha hindi mo naman kailangang umalis.. huwag mo naman akong iwan" nag-mamakaawang sabi ni mommy sa akin na dahilan para mapa-lunok ako, she's begging me to stay pero paano naman ako?
"Mom, tinanggap ko naman nung umalis kayo pero bakit ngayon na ako naman ang aalis hindi niyo matanggap?"
Maagang umalis ang mga magulang ko at maaga rin akong namulat na alagaan ang sarili ko, alam ko naman ginagabayan nila ako kahit nasa ibang bansa sila pero siguro mas gusto ko nalang maging mapag-isa.
"Bakit hindi niyo namang magawang tanggapin ang gusto ko? Gusto ko lang naman lumayo pero hindi niyo kayang ibigay"
"Matagal akong wala sa tabi mo Aisha, sa tingin mo papakawalan pa kita ngayon? Ang tagal kong nag-tiis kaya sinabi ko sa sarili ko na siguro kapag nakasama na kita dito hindi ako mag-aalala, baka kasi dito maayos pa kita"
Sa sinabi niyang baka kapag nakasama ko siya ay baka maayos niya pa ako pero hindi naman nangyare yun diba? Mas lalo lang naging malala ang lahat, sana pala hindi nalang ako sumama, grabeng pag-kakamali ang ginawa ko.
Nasasaktan ako sa sinasabi ni mommy pero sukong-suko na ako sa pag-iintindi na mayroon pang pag-asa ang buhay ko, na magiging maayos ang lahat pero hindi.
"Wala kayong nagawa mom.."
Sana isang panaginip nalang ang lahat ng ito, sana noon palang hindi na ako pumayag, sana noon palang ay tumanggi na ako umalis, sana noon palang nag-pumilit na ako sa magulang ko na iba ang gusto kong gawin.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
Lãng mạnRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...