Chapter 15

162 11 0
                                    

Northern Nights
Chapter 15

This feeling that I cannot get out of my system is killing me, hindi ko alam kung bakit ako napunta sa harapan ng dalawang ito and it's giving me a bad mood because of what Francine did.

"Van is still in a relationship with me Aisha--"

"Is this a part of reality or your illusion?" pag-putol ko sa sasabihin ni Francine na dahilan para kumunot ang noo niya. Parang isang timba ng malamig na tubig ang nabuhos sa akin dahil sa hindi ko na makontrol ang mga salita ko.

Unti-unti akong lumapit kay Francine at nakita ko kung paano nag-iba ang tingin niya sa akin. Naging mabigat ito at parang nag-dilim ang paninigin niya.

"Huwag na huwag mo ng lalapitan si Van, mag-karoon ka naman ng respeto sa sarili mo" malamig kong sabi at nakita ko ang pamumula ng mata niya.

"You should respect his decision..... I don't want to be mean to you but his mine now"

I can't tolerate this kind of woman coming to man as if they were just friends, alam ko kung paano kumilos ng babae. Kung mahal niya pa si Van ay hindi ito magiging madali sa kanya.

"Know your limitations Francine and stop pestering our relationship" mabibigat na salita ang naibigay ko, hindi ko naman inaakala na lalabas iyon sa bibig ko pero hindi ko napigilan.

I can act as Van's fake girlfriend, ayokong manghinala si Francine. I must know kung ano pa ang balak niyang gawin kay Van at baka pati rin ako ay pag-initan niya.

Napunta naman ang tingin ko kay Van and I can see the frustration in his eyes, alam niya kung ano ang nararamdaman ko at alam niya kung ano ang mga narinig ko na hindi niya sinabi sa akin.

We are just fake pero bakit kailangan ko pang malaman ang history niya? Bakit kailangan pa? Pero bakit ngayon na nalalaman ko na kung sino siya ay bakit nasasaktan ako na hindi niya sinabi sa akin?

Agad akong nag-lakad palayo sa kanila dahil sa sama na nararamdaman ko, hindi ko dapat maramdaman to at hindi dapat ito mapansin ni Van. This is too dangerous, this is not me.

Hangga't maaari ay dapat ko ng malaman ang sagot sa akin ni mommy para matapos na itong pag-papanggap na ito. Hindi na tama 'to, hindi na tama 'tong nararamdaman ko.

Ang akala ko kakayanin ng puso at isipan ko pero hindi, mas lumalamang ang puso ko dahilan para mag-reklamo ang isipan ko.

Sa simula palang ay ako ang nag-isip ng planong ito pero bakit parang ako ang nagiging biktima? Bakit parang ako pa ang nahuhulog sa sarili kong plano?

I know this is not the right time to talk about this dahil wala ako sa posisyon para sabihin ito kay Van, ako ang unang nang-gambala sa kanya at ako ang unang naging problema niya.

This cage that we build were fake, all of this were fake! The actions were fake, the sweetness we had is fake at yung nararamdaman ko peke! Peke lahat!

Wala dapat akong maramdaman, wala kahit katiting, alam kong mahihirapan akong mag-adjust kapag natapos na ito pero bakit mas hinihingi ko na matapos na ito ng maaga?

Fuck Aisha! Ikaw lang ang nakakaramdam ng ganito dahil nakatanim lang sa utak ni Van ay wala lang lahat ng ito.

Sa pag-lalakad ko ay biglang tumunog ang phone ko na dahilan para mapatigil ako sa pag-lalakad. Kinuha ko ito at tinignan ang pangalan na tumatawag, agad ko naman itong sinagot.

"Hello mom" I said

"Aisha anak, I need to talk to you" bungad sa akin ni mom na dahilan para kumunot ang noo ko pero unti-unting nawala ang pag-tataka ng mapag-tanto ko na ang pag-uusapan namin.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon