Northern Nights
Chapter 4"Muntikan ka ng saktan ni Kim?!" galit na tanong sa akin ni Pia, nandito kami ngayon sa mall. Umagang-umaga pinapunta na ako ni Pia para bumili ng bagong make up.
"That bitch! Gusto niya ba talagang mamatay--"
"Relax! Nakakahiya ka naman e" sabi ko habang kinakamot ang ulo ko na dahilan para kumunot ang noo niya.
"What? Me? As in M-E?" OA na sabi niya. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
"Hah! I can't believe this ikaw na nga itong ipagtatanggol ko umaayaw ka pa"
"Pia, kaya ko naman ang sarili ko--"
"Huh? Nahihibang ka ba? Tignan mo nga 'tong braso mo baka kapag hinawakan lang 'yan ni Kim ay mapisat na dahil sa sobrang kapayatan"
Masama kong tinignan si Pia na dahilan para ngumiti siya sa akin "Ang panget mo"
Wala na akong masabi sa kanya, kasalanan ko bang hindi ako tumataba? Like nakikita ko naman yung sarili ko na ayos lang ang katawan ko pero sa perspective ni Pia hindi e.
"Nga pala I have something to tell you" hindi pa alam ni Pia ang balak ni mommy na papuntahin ako sa States at alam kong aayaw siya.
"Ano 'yun?" tanong niya
"Recently, mom called me and she told me na after the graduation e' pupunta na ako ng States para doon na mag-trabaho"
Tumingin naman ito sa akin, alam kong tumigil ang isip niya dahil sa sinabi ko. Alam naman niyang siya ang meron ako.
"Then go, pursue it"
Parang muntikan ng bumigay ang tuhod ko dahil sa sinabi niya. Ang akala ko naman ay pipigilan niya ako sa pag-alis pero hindi pala, walang kwenta talaga.
"Seriously, sayang 'yun Aisha malay mo mas lalo kang mag-improve kung doon ka mag-tratrabaho"
Kahit kailan talaga ay hindi ko siya maasahan dito, akala ko pa naman ako ang most precious person sa kanya.
Napasimangot ako dahil sa sinabi niya, so dahil ba sa sinabi niya ay kailangan ko talagang umalis?
"Oh bakit ganyan yung mukha mo?" tanong niya sa akin.
"Pia, I'm not going" sabi ko na dahilan para kumunot ang noo niya sa akin.
Oh tignan, mas humadlang pa siya ang gusto niya siguro is tumuloy ako pero dito ang buhay ko. Bakit kailangan ko pang simulan sa iba?
"W-Wait, why? Is there a reason? It's a good opportunity---"
"Pia hindi naman 'yun ang tinutukoy ko, parang may nag-sasabi lang sa akin na huwag tumuloy and ayoko namang mapasaakin ang kompanya nila"
Ayokong maging susunod na taga-hawak ng kompany ng magulang ko. It's a big responsibility at alam ko naman na na-eenhance ang mga ganitong bagay pero hindi iyon ang gusto ko.
"Aisha listen...hindi mo puwedeng tanggihan yun"
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Pia, ano bang sinasabi niya? Hindi niya ba ako maintindihan?
Mariin siyang napapikit at tinignan ako sa mata "Imagine being a CEO of a famous company in States, sinong hindi tatanggi doon?"
"Me, the only me" I said directly
"Aisha, hindi puwedeng dito mo lang itutuloy ang buhay you must experience new things"
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Pia, may tumutulak sa akin na para bang hindi ko naman kailangang umalis dahil sapat na sa akin ang meron ako ngayon.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...