Northern Nights
Chapter 43"My name is Van" pag-papakilala niya sa akin, his figure is distracting me. I can feel the dryness of my throat at that time, he's my new neighbor and I could say na nasa college palang ito.
"My name is Aisha, nice meeting you" I said while smiling, as he gave me a response I suddenly felt my heart beating so fast. Parang naging slow-motion ang una naming pag-kilala sa isa't-isa.
Maybe I was just attracted to his face, maybe nabibighani lang ako kung gaano ito kagwapo but as I go to bed hindi na ako nakatulog.
I was just looking at the ceiling feeling stressed because I can't sleep at ang nakakainis doon ay hindi mawala sa isip ko ang ngiti ng bago kong kapitbahay.
I was irritated and stressed dahil hindi ako maka-tulog, pinilit ko. Uminom ako ng pills, uminom ako ng gatas, nag-basa ako ng libro pero wala parin itong nagawa.
Iba na to, kahit sa unang pag-kikita palang namin ay iba na ang nararamdaman ko. Sa simpleng ngiti na iyon ay parang naging magulo ang isip ko.
Lagi kong nakikita si Van, ewan ko ba kung bakit ganito nalang lagi ang inaasal ng loob ko. Alam mo yung parang may kumikiliti sa tiyan mo at parang hindi ka mapakali.
May time pa nga na gusto ko pang pumunta ng doctor to check if there's something wrong pero hindi ko nagawa. I was really worried kung ano bang nangyayare sa akin and doon na nga sumulpot ang pekeng relasyon namin ni Van.
Hindi ko ba alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko sinabing boyfriend ko si Van. Ang akala ko ay tanging goal ko lang ay hindi umalis pero unti-unti akong nakokonsensya.
Napalapit nga ang loob ko kay Van na para bang halos kulang nalang ay sumabog na ang puso ko. Still, I don't get it, hindi ko parin alam kung anong nararamdaman ko.
Dumating sa punto na nag-pakalasing ako dahil hindi alam na nararamdaman. I saw him, ramdam ko ang matitipuno niyang braso sa katawan ko at buhat-buhat niya ako habang seryosong nag-lalakad.
Kahit lasing ako ay alam ko parin ang sinasabi ko, sinabi ko na bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit nagiging komplikado ang lahat kapag andiyan si Van? Ano bang nararamdaman ko sa kanya?
Nung nakilala ko ang ex-girlfriend niya na si Francine ay hindi ko mawari ang sarili ko dahil sa sobrang inis, even though fake relationship lang ang lahat ay hindi ko mapigilan na kwestyunin ang sarili ko.
I feel very down and frustrated because of Van, dahil kung ano-ano nalang ang nangyayare sa kanya simula nung komprontahin siya ni Francine. I was hurt too, inaamin ko nasaktan ako dahil nasasaktan siya, maybe it's an act as his friend.
Nakita ko ang effort ni Van kahit palabas lang ang lahat and also I tried my best para hindi na ako paalisin. We spend time together as if we are the cutest couple in the world.
We spend our fake relationship the reason why I kept questioning my feelings and myself. Para bang nawawala ako sa gubat, para bang wala ako sa sarili ko.
And at that time, parang nakokonsensya na ako and I said to myself na kailangan na naming itigil pero hindi ko nagawa. Para bang hindi ko kaya dahil may pumipigil sa akin.
Nakokonsensya ako dahil pekeng relasyon lang naman ang meron kami at niloloko namin ang lahat. I was scared and frustrated dahil parang dalawang tao ang nag-dedesisyon sa sarili ko.
Mom said na walang magagawa ang relasyon namin ni Van at kailangan makipag-hiwalay na ako kay Van dahil tuloy parin ang alis ko.
Parang naging isang rollercoaster ang nararamdaman ko, una ay masaya ako dahil sa magagawan ko na ng paraan na mag-hiwalay na kami ni Van at malungkot naman dahil sa tuloy parin ang alis ko.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...