Northern Nights
Chapter 47Sinuot ko ang earrings habang naka-tingin sa salamin ng aking kwarto. Hindi ko ba alam kung anong kahihinatnan ng pag-harap ko sa media pero handa ako kung ano mabg batikos ang maibibigay sa akin.
Sa function room ng company ay maraming pinapasok na reporter sa loob at ngayon magaganap ang conference.
I'm slightly nervous about this pero ako naman ang nag-pumilit, kahit sinabi ng mga magulang ko na sila nalang ang mag-sasalita pero hindi ko naman hinayaan iyon.
Hindi naman sila ang may kasalanan kung bakit ito nangyare, kapabayaan ko ang lahat kaya ako ang mag-sasalita sa lahat. Ako ang hihingi ng dispensa at pasensya at hihingin ko nalang ang pang-babatikos nila kung iyon ang makakapag-pagaan ng nararamdaman nila.
Suot-suot ko ang black sheath dress pati ang black stilettos. Tinali ko rin ang buhok ko into ponytail at hindi na ako nag-abalang mag-lagay ng make-up dahil haharap lang naman ako sa media.
Biglang may kumatok sa pinto na dahilan para mapunta ang tingin ko dito "Tapos ka na ba?" rinig kong sabi ni Denver na dahilan para mapa-singhap ako.
Ayokong ma-late at aasahan ko naman ang maraming pamilya sa harap ng kompanya at handa ako sa mga hinaing nila. Alam ko namang hindi mababalik ng kung ano man ang buhay ng mahal nila sa buhay pero dinadalangin ko na sana mahanap na si Nardo.
Binuksan ko ang pinto at doon bumungad si Denver at Erin na mukhang nag-aalala sa akin. Ilang buwan narin silang nag-tratrabaho sa akin and I'm happy na kasama ko sila palagi. Parang kapatid narin ang turing ko sa kanila.
"We're here, okay.." nag-aalalang sabi ni Erin na dahilan para unti-unti akong mapa-ngiti. They make sure na ayos lang ako.
"Shit! Kailangan bang gawin mo to?" frustrated na tanong ni Denver at nagulo ang buhok niya dahil sa iniisip niya ang mangyayare ngayon.
"I want to speak for those families who lost someone, ako ang haharap sa media and you guys can stay by my side"
"After this, asahan niyo na tatambay tayo sa Manila Bay. That will be my last day with you guys" sabi ko habang pilit ang ngiti sa aking labi.
Nakita ko ang pag-kunot ng noo nila, sabay silang nag-katinginan at muling binalik ang tingin sa akin. I flushed a smile to them trying to make the atmosphere more balance.
"After this, napag-desisyunan kong pumunta ng Italy and actually nakakuha na ako ng ticket" I said at kinuha sa bag ko ang ticket ko papunta sa Italy.
Ilang buwan na ako dito sa Pilipinas, masaya ako na nakabalik ako dito pero may mga bagay talaga na mag-tutulak sayo na kailangan mo ring mapag-isa.
Gusto kong pumunta ng Italy after this, kapag natapos na ang lahat ng ito ay pupunta ako sa Italy. Hindi sa tumatakas ako, I'm going because I want to start my new career, I want to be a flight attendant.
Alam kong malaking adjustment nanaman ang gagawin ko pero susubukan ko naman dahil ito naman ang hinhintay ko.
"B-Bakit naman?" nauutal na tanong sa akin ni Erin habang naka-nguso, parang bigla nalang bumigat ang mga balikat nila. Pilit nalang akong ngumiti sa kanila, I know it's hard to left the Philippines pero para rin naman sa akin ito.
"I want to go somewhere that no one knows me" ang sabi ko
"Hindi ka na ba namin mapipigilan?" tanong ni Denver, suminghap naman ako at unti-unting umiling. Para rin naman sa akin ito and I hope sa pag-alis ko ay mabawasan ang hinanakit ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.
"Huwag kayo mag-alala, I will still keep in touch sa inyo atsaka may mga plano narin ako para sa inyo"
Kumunot ang noo nila "Ano 'yon?" tanong ni Erin pero ngumisi nalang ako sa kanila na dahilan para mas lalo silang mag-taka.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...