Chapter 9

172 10 0
                                    

Northern Nights
Chapter 9

I gladly smiled when I saw the outcome of our presentation, the marked of the green pen and the word "approve" gave it all. Laking tuwa ng mga kasama ko sa presentation na ito ang natanggap naming marka.

It was a group effort, we presented the ways of improving the economy and hindi naman inaasahan na lahat ng ideas namin ay ma-aapprove.

"Thank you God! Nakapasa kami!" sigaw ni Lia at binato ang mga papers na pinag-puyatan niyang intindihin at aralin kagabi. Walang duda naman na nag-bigay talaga siya ng effort para sa presentation, ang laking hatak kaya nito sa subject.

"Pasalamatan rin natin yung leader natin!" sabi ni Kevin at inakbayan ako na dahilan para mapa-ngiti ako. Oo, ako ang leader nila at lahat ng ideas nila ay nilagay ko sa PowerPoint. Alam ko naman na hindi gaanong ka-unique ang ideas namin pero hindi iyon naging batayan para bumagsak kami.

"Oo nga! Hindi ma-aapprove yung presentation kung wala si Aisha, e' halos ilagay niya na lahat nung ideas natin sa slides e" sabi naman ni Erin.

Nilagay ko naman sa bag ko ang mga papeles na ginagawa ko kagabi, nakakapagod at nakakapuyat pero worth it naman. Nakalagpas rin sa kabang dinadamdam.

"Ano? Celebrate tayo? Saan ba?" nakangising tanong ni Kevin na dahilan para mag-usap ang mga kagrupo ko kung saan puwedeng mag-celebrate.

"May bagong bukas na club sa Elena, doon nalang kaya tayo? VIP nalang!" sigaw naman ni Lia na dahilan para mag-hiyawan ang mga kagrupo ko.

Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya, pag-inom? Well, sa nanay ko ba namang puno ng alak sinong hindi makakatikim diba?

"Ikaw Aisha? Sama ka?" tanong sa akin ni Kevin na dahilan para mapangisi ako.

"Halata namang mag-tatampo kayo kapag hindi ako sumama" nakangisi kong sabi na dahilan para mag-sigawan sila. Hindi naman siguro kami gagabihin dahil alam naming may pasok kami bukas, careful drinker naman ako kaya walang mintis.

"Pero maiba tayo, Aisha... totoo ba talagang may boyfriend ka na?" biglang tanong sa akin na dahilan para manlaki ang mga mata ko. Saan naman nila nalaman yun?! I mean paano nila nalaman?!

Sa hindi malamang dahilan ay napa-ubo nalang ako bigla at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Shit!

"Huy Aisha! Tinanong lang kita pero bakit namumula ka?" sambit naman ni Lia na dahilan para hawakan ko ang dibdib ko at pilit siyang ningitian. This is so embarrassing, hindi naman ako yung tipo ng ibang babae na proud na magka-boyfriend, wala talaga akong landi sa katawan.

"Pero totoo ba Aisha?" singit naman ni Kevin at nilapitan ako na dahilan para mapa-atras ako. Aaminin ko para akong nasa hot-seat ngayon, nararamdaman ko yung pag-tulo ng pawis sa likod ko, bakit ganito ako kabahan?

"S-Saan niyo naman nalaman?" tanong ko na dahilan para manlaki ang mga mata nila. Bakit? Mali ba ako ng sinabi?

"So totoo ngang may boyfriend ka na and siya yung swimmer sa ibang school"

Mali ako ng naitanong! Malas talaga Aisha! Kuhang-kuha ka na kaya wala ka ng palag.

Unti-unti naman akong tumango bilang sagot sa kanila "OMG! Yieee! Super hot kaya nung boyfriend mo!" Lia said at hinampas ako na dahilan para pilit akong mapangiti.

Dito palang sa school namin ay sikat na si Van, paano pa kaya kung mag-kasama kami? Baka mamaya abangan ako ng mga babaeng nag-kakagusto sa kanya!

"Oo nga, balita ko habulin rin yun sa school nila" sabi naman ni Kevin, bakit ganon? Ako yung girlfriend pero ako yung parang walang alam sa boyfriend ko?

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon