Chapter 40

131 8 0
                                    

Northern Nights
Chapter 40

I cleared all my schedules, pupunta kasi ako sa orphanage dahil may kasiyahan daw magaganap doon. May mga pakain at palaro daw si ma'am Brenda para sa mga bata at kasama kami doon.

Kahit papaano ay gumagaling na ang sugat na natamo ko at sa ngayon ay pinag-hahanap parin ni Denver at Erin si Nardo, hindi ko alam kung nasaan si Nardo pero ayaw ko muna siyang isipin dahil sa masayang araw ang magaganap ngayon.

Mga sinag ng araw ang pumapasok sa kwarto ko dahil sa malaking bintana na meron ito, dumiretso ako sa veranda at doon ininom ang kape ko. 

Mabuti nalang at rest time ko ito sa trabaho, panigurado ako magiging masaya ang palaro mamaya lalo na't andoon ang mga bata. Mabuti narin na mag-karoon kami ng bonding dahil para maalis naman sa mga bata yung pag-aalala.

Tahimik ko lang pinag-mamasdan ang matataas na gusali kasama ang masimoy na hangin na dumadampi sa katawan ko. Napasinghap naman ako at umawang ang labi dahil sa presko at magandang tanawin.

Sa pagiging tulala ko ay biglang sumingit sa isipan ko ang sinabi ni Van, naramdaman ko ang tila pag-bagsak ng balikat ko at parang naging malamig ang pakiramdam ko.

Sinabi niya na siya parin ang Van na kilala ko at ako lang ang nag-bago, yung pag-babago ko maganda ang naidulot sa kain nun and sa palagay ko ay wala namang masama kung mag-babago ako para sa sarili ko.

I don't get him, magugulat nalang ako ay naka-tingin siya sa akin. Hindi ko na ito nakikitang ngumiti, para bang nawala yung happy version niya. Sa tingin ko nga ay pinapakita niya lang iyon kapag sila lang dalawa ni Francine.

Sa pag-iisip ko ay biglang tumunog ang doorbell na dahilan para mapunta ang tingin ko sa pinto, kumunot ang noo ko dahil sobrang aga pa para may pumunta dito. 

Binaba ko ang tasa ko sa counter at pumunta sa pinto para pag-buksan ang taong nasa labas.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Nicolai na naka-ngiti at dala-dala ang isang bouquet of flowers. Ano namang ginagawa niya dito ng kaaga-aga?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Nandito ako para sabay tayong pumunta sa orphanage" napa-iling ako at umawang ang labi ko dahil sa sobrang aga pa para sunduin ako.

"Masyado pang maaga Nicolai" I said to him but I saw him smirking

"Sinadya ko talaga para tumambay ako dito" he said, at nagulat ako ng bigla siyang pumasok sa condo ko na dahilan para habulin ko siya.

"Anong tatambay?" nilagay niya sa counter ang flowers at tumingin sa akin

"Tatambay lang ako and wala naman akong gagawing masama" nag-taka ako ng tignan niya ako ulo hanggang paa, tinignan ko naman ang sarili ko at nanlaki ang mata ko ng malamang naka-night gown lang ako.

"Fuck! Manyak!" sigaw ko at agad na tinakpan ang upper part ng katawan ko dahil sleeveless ang suot kong night gown. Tumakbo naman ako papunta sa kwarto ko pero narinig ko ang malakas na halakhak niya na dahilan para mamula ang pisngi ko.

Agad akong nag-palit ng damit ko, nag-suot ako ng malaking t-shirt at pajama at agad akong lumabas ng kwarto. Nakita ko si Nicolai na naka-upo na sa sofa, he's wearing a white polo shirt and a blue jeans. Nakita ko rin na dalawang butones ang hindi nakakabit na dahilan para makita ko ng kaunti ang maskulado nitong katawan.

Nung nakita niya ako ay ngumuso ito "Conservative ka masyado" he said while looking on my clothes, agad ko naman siyang inirapan at nag-punta sa counter kung saan nandoon ang bulaklak na binigay niya.

Hayss, paninindigan niya talaga yung sinabi niyang lagi niya akong dadalhan ng bulaklak baka sa susunod na buwan ay maging flower shop na itong condo ko dahil sa mga bulaklak na binibigay niya.

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon