Northern Nights
Chapter 48Napa-singhap ako ng marating ko ang orphanage, madilim na dito pero tanaw ko parin ang nasirang construction site sa kaliwa nito.
I can't believe it, halos wala ng natira sa nagawa namin, naging sira-sirang bato nalang ito kung saan namatay ang maraming workers.
Bigla ko nalang naalala kung gaano ako kasaya nung nag-simula na ang project. They are here to do their service at parang pamilya narin ang turing ko sa kanila pero hindi ko naman inaasahan na ganito ang magiging resulta.
Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa mga bata maging kay ma'am Brenda. Panigurado ako ay takot sila at ayaw na nilang madamay.
Kahit na may ganon thought sa isipan ko ay pinilit ko ang sarili ko na pumasok sa loob ng orphanage. Sa corridor ay halos wala ng tao dahil sa gabi narin namin, inaalagaan na siguro ng mga staff ang mga bata sa kwarto nila.
Nag-lakad na ako para pumunta sa opisina ni ma'am Brenda, kakausapin ko lang siya at handa naman ako sa mga sasabihin niya.
Nang marating ko na ang harap ng opisina niya ay agad akong kumatok. Napunta sa akin ang tingin niya at pinagmasdan ako ng malalim. Hindi niya parin siguro naaalala ang mukha ko.
"M-Ma'am Brenda.." nanginginig na sabi ko na dahilan para magulat siya at napalayo ng kaunti sa kanyang lamesa. I knew it, takot na siya, takot na siyang madamay ang orphanage niya.
"A-Aisha.." nauutal niyang sabi sa akin, nangilid ang mga luha ko ng tawagin niya ang pangalan ko, na-recognize niya ako kahit nag-salita lang ako.
"I-I'm sorry, I'm so sorry--"
Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil sa lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"K-Kamusta ka na? Pasensya ka na kung hindi ako nakadalaw" doon na nag-simulang tumulo ang mga luha ko at niyakap siya pabalik.
I can hear her sobbing the reason why I tapped her back "Sorry ma'am Brenda sa nangyare, hindi ko naman inaasahan na mangyayare iyon"
Be strong Aisha, malapit ng matapos ang lahat! Malapit na.
Humiwalay sa akin si ma'am Brenda at kitang-kita ang basang pisngi dahil sa kanyang mga luha "H-Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad"
Suminghap ako at hinawakan ang dalawa niyang kamay "A-Ang akala ko ay galit kayo dahil sa nangyare, pasensya na ho"
"Alam mo bang nag-alala kami sayo, hindi namin alam kung anong kalagayan mo pero mabuti nalang ay pumupunta dito si Nicolai"
Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya "K-Kamusta na ho ang mga bata? Na-trauma ba sila?" nag-aalala ako dahil narinig nila ang pag-sabog, mabuti nalang at walang nasaktan sa kanila.
"H-Huwag kang mag-alala dahil ayos lang sila, nag-aalala nga sila sayo e' kaya halika puntahan natin sila"
"Ma'am Brenda, marami hong namatay sa nangyare at sinisisi ko ang sarili ko dahil doon"
"Pinag-tirik namin ng kandila ang mga namatay Aisha at alam naman siguro nila na hindi mo kasalanan lang lahat"
Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko, isipin mo nawalan ang mga pamilya dahil sa pag-sabog habang ako ay nandito parin buhay.
"Kaya po ako pumunta dito para sana mag-paalam"
Nag-tama ang kanyang dalawang kilay dahil sa sinabi ko, hindi ko sila makakalimutan. Si Alvin na ang mag-papatuloy ng naudlot kong project, I want to settle everything first before leaving.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...