Northern Nights
Chapter 50Humakbang ako sa police station kung saan nandito si Denver at Erin, syempre hindi papahuli ang media. They are all gathered in front of the police station waiting for any statement.
Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Denver, nandito parin ako sa kotse ko at hinihintay siya na sunduin ako dahil panigurado ako pag-kakaguluhan nanaman ako.
"Nandito na ako pero hindi ako maka-pasok, masyadong maraming media" ang sabi ko habang nilinga-linga pa ang tingin ko nagbabaka-sakaling may makita akong ibang daanan.
Nakita ko na lumabas si Denver sa palihim na pinto na at sinenyasan ako na lumabas na.
Lumabas naman na ako ng kotse at dali-daling tumakbo kung saan nandoon nag-hihintay si Denver "Saan niyo siya nakita?" ang tanong ko dito ng malapitan ko na siya.
"Nakita siya sa isang convenience store" sambit sa akin ni Denver na dahilan para tumango ako, nang pumasok na kami ay bumungad sa amin ang dawalang pulis.
"Ikaw po ba si Aisha Lianno?" ang tanong nito at tumango naman ako bilang sagot.
"Where is he?" ang tanong ko dito at tinuro ang isang kwarto kung saan nandoon si Nardo, malalim akong napa-hinga habang tinitignan ang kwarto kung nasaan siya. Now, makakaharap ko na siya, mag-babayad na siya sa mga ginawa niya.
Akmang mag-lalakad na ako papasok ng kwarto ng biglang hawakan ni Denver ang braso ko, tinaasan ko ito ng kilay dahil sa pag-tataka.
I heard his sigh as if he's worried "Are you sure you can handle this?" ang tanong niya sa akin na dahilan para unti-unti akong mapa-ngiti. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot para bitawan niya ang aking braso.
"Just call me if something happens" pag-papaalala sa akin ni Denver at hindi nag-tagal ay pumasok na ako sa kwarto.
Bumungad ito sa akin na nakatulala, naka-posas na ang dalawang kamay nito and I could feel his cold presence. Umupo ako sa harap niya at doon na nag-tama ang tingin namin.
Kaharap ko na siya and I could feel my fist closing, nanginginig ako dahil sa galit dahil naalala ko ang pag-sabog. Naalala ko ang lahat nung nakita ko siya.
I felt my nerves and also my veins because of the madness I have but I hold on, kailangang kausapin ko siya ng maayos.
"A-Alam mo ba kung anong ginawa mo?" nauutal na tanong ko sa kanya at matalim ang tingin ko dito. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang mag-dusa pero mabuti nalang ay may natitira pa sa aking awa.
Hindi niya sinagot ang tanong ko na dahilan para mapa-singhap ako at inikutan ito ng mata. Mananahimik siya ngayon na para bang kunwari wala siyang ginawa.
"Puwede namang ako lang pero bakit mo sila dinamay" nangingilid ang mga luha sa mga mata ko, naaawa ako sa kanya ni hindi ko man lang alam kung may pamilya pa ba siya. Nakakaawa na gumagawa siya ng masama dahil sa hindi niya nakuha ang gusto niya.
"H-Hindi ka na naawa... hindi ka na naawa sa mga pamilyang maiiwan nila!" halos pumutok na ang ugat ko dahil sa sigaw na binigay ko. Nananatili ang malamig nitong tingin sa akin na mas nakakagalit.
"Bakit mo ginawa 'yon?! Ganon ba kabigat ang galit mo sa akin kaya mo 'yon nagawa huh?!" I want to cut his neck, I want to shred him into pieces. Gusto kong maranasan niya ang lahat.
"I'm trying to understand you, mabuti nalang at may natitira pa akong awa sayo dahil baka pinatay na kita"
"Bakit ka nananahimik? Bakit hindi mo ako sinasagot?!"
Hindi ba siya mag-sasalita? Hindi man lang ba siya hihingi ng patawad, hindi man lang ba siya naaawa sa mga pinatay niya?
Halos maalis ko na ang lamesa na nag-hihiwalay sa amin dahil sa galit, tumulo na ang mga luha dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...