Chapter 5

208 14 0
                                    

Northern Nights
Chapter 5

"What?! Aisha Lianno, what is the meaning of this?"

"Boyfriend?" napatingin ako kay Van dahil halata ring nagulat siya dahil sa sinabi ko maging ako rin naman pero parang ito lang naman ang dahilan para tigilan na ako ni mommy.

"M-Mom, hindi ako makakaalis ng mabilisan dahil sa kanya" patawarin sana ako ng kaluluwa ko dahil sa mga sinasabi ko ngayon.

Tumingin si mommy kay Van, parang inuusisa ito mula ulo hanggang paa. Nakagat ko naman ang labi ko dahil sa pag-tingin ni mommy.

"Pag-alis?" tanong sa akin ni Van na dahilan para mapasinghap ako

"If you're my daughter's boyfriend, alam mo na ba ang pag-alis niya?" tanong ni mommy na dahilan para lumaki ang mga mata ko, dahil sa biglaang sitwasyon ay walang kaalam-alam si Van.

Hinawakan ko naman ang kamay ni mommy at tinignan ito sa mata "Mom, hindi niya pa po alam ngayon ko na ho sasabihin sa kanya kaya puwede po ba umuwi muna kayo para makapag-pahinga na ho kayo"

Ngayon lang ako naging hindi matalino sa lagay na ito, alam ko namang makakatakas ako sa ngayon pero hindi sa mga susunod na araw. Mali ata 'tong ginagawa ko pero nasabi ko na at malala ay nasama ko pa si Van.

"What? Kailangan kong makausap ang boyfriend mo hindi niya ako maaamo sa gwapo niyang mukha" sabi ni mommy na para bang galit pero tinignan niya si Van.

"Don't mind me Van, ang gwapo mo at bagay kayo ng anak ko" sabi ni mommy habang nakangiti na dahilan para mapa-iling ako dahil hindi ako makapaniwala.

"Mom, please go home ako na ang kakausap sa kanya" seryosong sabi ko at hinawakan na ang braso niya para kaladkarin na ito palabas ng condo ko.

Nang lumabas kami ay binitawan ko si mom, alam ko kung anong klaseng pag-sisinungaling ang ginawa ko at ang masama ay nandamay pa ako ng ibang tao.

"Kailan ka pa nag-karoon ng boyfriend ha? You're not telling me anything" taas-baba ang kilay na sabi ni mommy sa akin, para talaga siyang chismosa sa lagay na ito.

"Mom, next time ko na ho sasabihin sa inyo but for now alam niyo kung anong reason kung bakit ayaw ko umalis" I said to her, gagawin ko talaga ang lahat para hindi ako umalis pero kahit kasabwat ang ibang tao?

"I will tell this to your dad Aisha pero hindi lalaki ang magiging dahilan kung bakit ayaw mong umalis" seryosong sabi ni mommy na dahilan para mapasinghap ako.

Kahit pala anong gawin ko ay walang mangyayare pero nagawa ko na, nasabi ko na ang dapat kong sabihin at kailangan ko itong harapin.

"Oh siga na, mauuna na ako" sabi sa akin ni mommy na dahilan para lumapit ako sa kanya at halikan ang pisngi nito.

"Bye mom.." I said to her while waving

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko, tumingin ako sa pinto at doon ko napagtanto na may tao pa pala ang kailangan kong ipaintindi ang nangyayare.

Binuksan ko ang pinto at parang bawat hakbang ko ay isang mabigat na pag-tibok ng puso ko, masyado naman ata akong kabado.

Napunta ako sa sala at nakita kong hindi siya nakaupo sa sofa kung di nakatayo parin siya kung saan siya nakita ni mommy.

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at nagawa pang pag-laruan ang kuko ko "Kung balak mong mag-tanong puwede naman, I know you're shocked" sabi ko sa kanya.

Lumapit ako sa sofa at doon umupo na para bang wala sa akin ang atmosphere na nandito si Van. Loko-loko ka talaga Aisha, saan mo ba natutunan 'to? Sa mga libro?

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon