Northern Nights
Chapter 6Hanggang ngayon ay bakas parin sa mukha ko ang katangahang ginawa ko. I mean I don't need to go that far pero nasabi ko na ang lahat.
Nakipag-sundo na and wala na akong magagawa but ang pinag-tataka ko lang is bakit pumayag si Van. Parang mas relax pa siya kaysa sa akin.
And now mom will tell this to dad, hindi ko alam kung aabot ang pag-papanggap namin ni Van hanggang sa last day of classes pero sana ito yung maging rason para hindi ako umalis.
Samantala naman ay nandito ako sa library kalat-kalat ang mga libro sa lamesa na ginagamit ko. Tambak nanaman ako ng requirements na dahilan para mabilis akong kumilos.
Normal naman ito sa college life kailangan mo lang kasi mag-manage pero I think hindi gagana ang salitang manage dito dahil madami talagang trabaho.
"Hey Aisha.."
I saw Pia coming at me, dala-dala nito ang laptop niya at alam ko naman kung anong gagawin niya, ang mag-laro lang sa laptop niya na parang wala siyang hahabulin.
"Hey.." I said while looking away
"Hey? What's with that? Feel awkward?" tanong niya sa akin habang nakangisi pero agad kong inayos ang upo ko maging ang mukha ko.
Umupo na si Pia sa tapat ko, binuksan niya na ang laptop niya at parang kalikot na kalikot ito "I thought your just going to play pero parang may gagawin ka"
"Yeah, inutusan ako ni Ms. Cortez to list down the scores of my classmates" sabi niya na dahilan para tumango ako bilang sagot.
"Nga pala what happened when I left?" tanong ko sa kanya, parang may nag-tutulak lang sa akin na huwag sa kanya sabihin ang nangyare.
"Huh? When you left? Um... nag-date kami ni Jansen yun lang" sabi niya habang hindi ako tinitignan sa mata.
Yumuko naman ako at nag-pakawala ng malalim na hininga, this is the most hardest and stupidest thing I've ever done.
Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ng nasa relationship but ang mas nakakagulat pa doon is nag-jump ako bigla sa jowa and walang ligaw-ligaw.
It was an emergency, kailangan ko ng rason kay mama. Hindi ko ba alam kung bakit ko naisip 'yun, sa pagiging matalino ko ay hindi ko inaakala na may natatago pala akong kabobohan.
"What's the problem?"
Napa-angat ang ulo ko dahil sa tanong na iyon at doon nag-tama ang tingin namin.
Kahit malaki ang laptop niya ay nakikita ko ang seryoso niyang tingin sa akin, ako naman ay biglang kinabahan dahil alam ko na kung anong sasabihin niya.
"Hey Aisha"
Parang isang kidlat ang napunta sa isipan ko dahil sa gulat, nakagat ko ang labi ko dahil sa kaba at dahil nasa harap ko si Pia.
Huminga ako ng malalim at ginilid ang mga libro "Pia I have something to tell you" sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya at sinara ang laptop niya na dahilan para mas lalo akong kabahan. She's really interested on this.
Kulang nalang ay maputol ko ang ballpen na hawak-hawak ko sa panginginig, ito ang parusa na makukuha ko.
"What girl? I'm listening" sabi niya sa akin.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at hinawakan ang kamay ni Pia ng mahigpit.
"Pia..."
Shit talaga! Sasabihin ko ba talaga sa kanya? O hindi? Ano ba talaga Aisha?!
BINABASA MO ANG
RFL 1:Northern Nights
RomanceRULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pamilya na kinabibilangan ni Aisha Lianno ay hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na ba si...