Chapter 31

134 9 0
                                    

Northern Nights
Chapter 31

"Anong nararamdaman mo na makikita mo si Francine?" nag-taka naman ako sa biglaang tanong nito, hindi parin niya tinitigilan ang pag-hahalungkat sa closet ko at nakuha niya pang libangin ako.

Saglitan naman akong napa-yuko dahil sa tanong na iyon "As I said, work ang pupuntahan ko"

"Hindi ka ba kinakabahan?" I was mute for a second, bakit ba ako kakabahan?

"I'm not nervous, alam niya naman siguro kung saan niya binigay ang design niya and she knows na ako ang namamahala ng project"

Ako lang talaga ang nagulat dahil ang napili kong design ay siya pala ang gumawa. I'm not nervous, bakit pa ba kailangang balikan ang limang taon? It's a waste of time to remember it.

Kahit naman saglitan ko lang nakilala si Francine ay kitang-kita ko naman na mabait ito, naging desperada lang siya about kay Van.

Come on, we are already twenty-seven. Sa tingin nila iisipin pa namin ang nakaraan, we experienced a lot and we learned a lot. The Francine that I know is different from now and also me.

"Kung tutuusin ikaw lang naman ang nagulat, aware na siya sayo. Siguro kapag nakita ka niya ay mararamdaman niya ang cringe dahil ginambala ka niya noon sa condo mo"

Saglitan naman akong natawa dahil sa sinabi ni Pia "Tss, bakit ba kasi nakipag-relasyon ka sa lalaking--"

"Shut up, si Francine ang pinag-uusapan natin diba" pinigilan ko na si Pia hangga't maaari dahil alam ko na kung saan ito papatungo.

"Funny right, isa-isa ng bumabalik at nag-papakita sayo yung mga naiwan mo ng limang taon"

Totoo ang sinabi ni Pia, ang dami ko ng nabalikan. Isa-isa ng nag-papakita ang mga taong nakilala ko limang taom ang nakakalipas.

"I'm happy to see them at mas lalo akong magiging masaya if bibisitahin ko ang school natin" I mean may balak akong bisitahin ang school ko pero I'm still looking for a time na maisisingit ko iyon.

"Mag-kakaroon naman siguro tayo ng reunion, so hintay-hintay ka lang atsaka baka mamaya doon mo na makita ang lalaking para sayo"

Imbis na kiligin ako sa sinabi ni Pia ay parang nakaramdam ako ng cringe sa buong katawan ko "So ngayon ang topic naman natin is all about boys?" nakangising tanong ko kay Pia.

Nakita ko ang pag-taas baba ng kilay nito "Come on Aisha, you're already twenty-seven sayang naman ang chance baka mamaya hindi na kayanin ng flower mo kapag matanda ka na"

Nandiri ako dahil sa sinabi ni Pia at agad napa-tayo para lapitan na ito "Wala pa sa isip ko ang ganyan, I'm waiting for my thirties" I said to her.

"What?! Thirties?! Are you serious?!

"Bakit? Anong problema doon?" nag-tataka kong sabi dito, wala naman sigurong problema kung trenta ako mag-papakasal diba?

"Jusko! Ibigay mo na yang flower mo habang maaga pa, ako na ang nag-sasabi sayo"

What the heck! Hindi pa puwedeng sarili ko muna ang unahin ko before marriage, I just want myself at hindi muna ang iba.

"Bakit ikaw? Nabigay mo na ba yung sayo?" maangas na tanong ko kay Pia at nakita ko ang unti-unting pamumula ng pisngi niya.

"Ano ka ba, alam mo namang shy type ako pag-dating sa ganyan" pabebe nitong sabi at hinampas ang braso ko ma dahilan para mataas ko ang kilay ko. Anong shy type?! Kailan pa naging mahiyain ang isang kagaya niya?

"So hindi pa talaga nangyare--"

"My gosh! Nangyare na okay! Limang beses na okay!" natatawa nitong sabi na dahilan para mapa-lunok ako. So kailangan talagang gawin iyon kapag matagal na kayo?

RFL 1:Northern NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon