Chapter1:First Day

4.5K 125 13
                                    

NAMI:

"Opo,yes po."

Tamang iyan lang ang sinabi ko at tango ng tango sa sinasabi ng registrar kunwari naiintindihan ko siya.

Ang tagal naman kasi.Ang daming anek,dami sinasabi.

Gusto ko na ngang sabihin na.

'Oh tapos kana?Pwede na ba ako pumunta sa magiging room ko?'

Kaso naalala ko nagbabagong buhay na pala ako.Goodgirl na ako e,haha.

Matapos ang mahabang explanation niya na umabot na haggang mars,natapos na din ito.

Inayos ko ang uniporme ko at nagumpisa maglakad sa hallway,hahanapin ko na kasi ang building at ang room ko.

May map naman na binigay saakin ang registrar kung saan yung building at room ko.Oh diba,bongga!may map.

Malaki kasi ang school na ito at maraming pasikot-sikot.Gulat nga ako e dahil mahal ang tuition dito.

Tumingin ako sa papel na binigay saakin kanina,nakasulat kasi doon kung saan ang room ko.

BUILDING S5,Section D.

Tumingin ako sa building na nasa harap ko at S1 building iyon.Ibig sabihin medyo malapit na dito ang building ko.

Mabilis akong naglakad patungo sa S5 building,malapit na kasi ang oras ng klase at ayokong mahuli sa unang araw ko dito.

Tumigil ako sa tapat ng isang hindi kagandahang building.Napakunot pa ang noo ko dahil marami akong nadaanan na building na magaganda at mukhang bago.

Pero ang isang ito ay luma na,at hindi naman san panlalait pero ang panget tignan ng gusali na ito.

Tinignan ko ang sign sa gilid at nakita ko ang nakasulat na S5.

Kahit na ayokong pumasok doon,dinala pa rin ako ng mga paa ko papasok sa loob.At pagpasok ko sa hallway palang ay sobrang gulo na!Ghad!

Ang daming mga estudyante nagkakagulo sa hallway,andami sirang upuan sa mga paligid at marami pang nagsusuntukan.

Tama ba itong pinasukan ko?Mali ata!siguro nga nagkamali lang ako ng pinasukan na gusali.Pumunta na ulit ako sa entrance para lumabas sana ngunit may nabunggo akong grupo ng mga kalalakihan.

Tinignan ko naman sila at natakot akl dahil sa awra nila!bakit ganon?nakakatakot silang tignan para silang gangster.

"Uhmm..pwede magtanong?"-sabi ko.

"Nagtatanong kana talaga."-sabi ng isang lalaking naninigarilyo at may blonde na buhok.

Medyo nairita ako pero binaliwala ko iyon saka pinagpatuloy ang nais kong sabihin.

"Is this building S5,transfer student kasi ako dito..sa sec--

Napatigil ang sasabihin ko nang magsalita ang nasa gitna sakanila na may kulay blue na buhok.

"Do you know how to read?May sign naman sa labas na S5."-Sabi nito saka nilagpasan ako at sumama naman sakanya ang mga kaibigan niya.

So hindi nga ako nagkakamali!naglakad na ako sa hallway at dinaanan ang mga magugulong estudyante.

Andaming mga nag-aaway at sobrang ingay nilang lahat!Tumingin pa ako sa mga room at nahanap ko na ang section ko,ang section D.

Pagkapasok ko sa room agad akong napahiga sa sahig.

"HAHAHAHA!"

What the?!May tumisod saakin!Kaagad naman akong tumayo at pinagpagan ang uniporme ko dahil maalikabok sakanilang room.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon