Chapter34:Hugs

1.1K 61 0
                                    

A/n;sorry for the late update.Babawi ako ^^

NAMI:

"Bat nga pala hindi ko na nakikita si Alonzo na napunta dito?"-tanong ni momy bigla habang kumakain kami.

"A-ahh,busy po kasi siya sa school.
Siya po yung student-teacher na rep ng section D."-sabi ko.

"Ganoon ba?nga pala anak,nanliligaw na ba iyon si Alonzo?"-tanong naman ni dady at muntikan pa akong masamid.Ano ba naman yan,kung ano ano ang tintanong nila.Sasabihin ko ba?

"Bakit niyo po natanong?"-sabi ko at napapaiwas ng tingin sakanilang dalawa.Hindi naman sila naging curious sa lovelife ko noon,pero ngayon ay panay ang tanong nila.

"Gabi kana kasi niya inihatid dito nung isang araw.Nag date ka'yo?"-sabi naman ni dady.

Hindi naman ako naka-imik dahil mga 9pm na nga ako iniuwi ni Third sa bahay.Andami kasi namin pinuntahan at nagenjoy talaga ako sa date namin.Di ko tuloy maiwasan ang mapangiti kapag naalala ko iyon.

"Porke't po ba lumabas kami ay nanliligaw na siya?"-sabi ko naman.

Narinig ko naman ang pagtawa ni dady habang ako ay naguguluhan.

"Nakita ko na hinalikan ka niya sa pisngi bago siya umalis."

Nawala ang ngiti sa labi ko at para bang naestatwa sa kinatatayuan ko.
Putek,nakit niya yon?hala.Baka mamaya kung anong isipin nila at sabihin saakin ang bata bata ko pa ay ang harot ko na.

"S-sorry po--

"It's okay.Nasa legal age ka naman na at hindi ka naman namin pinag babawalan mag boyfriend."-pagputol ni dady sa sinabi ko.

"At isa pa,boto naman kami kay Alonzo.Mabait naman siyang binata."-dagdag ni momy.

--

Bored na bored ako habang nakikinig sa student-teacher na nagtuturo saamin.Hindi lang naman ako kundi ang buong section din,nakakabagot naman kasi e.Yung boses nung nagtuturo saamin ay nakakaantok.
Para bang walamg kagana-gana ang boses niya.Tinatamad ba siya?

Sakto naman nabobored ako ngayon ay nagtext si Third.Dahil wala naman akong balak makinig ay patago kong kinuha ang cellphone ko at tinago iyon para makapagreply ako sakanya.

Third♡

Sabay tayo umuwi mamaya.

Tumingin muna ako sa paligid at napansin ko na nakatingin pala saakin si Dex na katabi ko.Tumingin din siya sa cellphone na hawak ko saka ngumisi.

Sinenyasan ko naman siya na huwag maingay at tumango na lamang siya.

To Third♡

Wala kayong meeting mamaya?

Wala pang ilang minuto ay nagreply na kaagad siya.

Third♡

Meron,but I don't want to attend that meeting.

Napailing na lamang ako sa reply niya.Pasaway talaga to kahit kailan.
Lahat ng student-teacher ay may palaging meeting.

Magtytype pa lang sana ako ng irereply sakanya pero may panibago ulit siyang text.

Third♡

And I miss you,ilang araw na tayong hindi nagkikita.

To Third♡

May messenger at text naman.

Matagal kong hinintay ang reply niya at hindi maalis ang tingin ko sa cellphone ko.Busy na siguro sa pagtuturo.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon