EPILOUGE

2.3K 90 7
                                    


A/n: Hello!sorry for the late update.
Natagalan ang update ko dahil inaasikaso ko na ang next story na ipupublish ko.Yieee,sana suportahan niyo din iyon.Btw,enjoy reading the epilouge of section D at maraming salamat sa suporta haggang sa dulo.
Haggang sa muli❤❤❤ ^____^

--

NAMI:

"Ano kamo?Reunion?bakit naman ako kasama?Hindi naman ako parte ng section D ano.Akalain mong invited pa ako."-Sabi ni Ghail matapos kong sabihin sakanya ang napagkasuduan ng mga kaklase ko noong highschool na may reunion kaming lahat.Ayaw ko nga sana sumama,kasi alam ko! Andun si Third at pupunta iyon.

"Oo naman kasama ka.Pati naging parte ka kaya ng section D noon!ikaw nga ang una nilang nakilala kesa saakin."-sabi ko saka humigop ng kape.Naalala ko tuloy yung panahon na highschool pa ako,kami.Iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko ang nakilala ko ang mga taga section D.

Feeling ko kase ay hindi magiging masaya ang highschool life ko noon kung hindi ko sila nakilala.Pero nasaktan naman ako sa huli.Pero ayos na ako,palagi pa nga napunta si Third sa bahay ko pero pilit ko siyang tinataboy.Ewan ko ba,oo mahal ko pa siya pero hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan niya pa itong gawin.May Venice na siya diba?Ano yun?Hindi kaya niloloko niya si Venice?!

"Hoooyy nakikinig ka ba saakin"-biglang sabi ni Ghail saakin.

"H-ha ano?"-tanong ko bigla at napahiya ano ba naman yan.Lutang nanaman ang isip ko.Nakakainis na talaga ilang araw na akong wala lagi sa sarili ko.

"Tsss.Yan kase,ano bang iniisip mo ah?Try ko kaya buksan utak mo malamang makikita kong laman ay 'THIRD' patay na patay ka talaga don sa lalaking iyon."-pagbibiro ni Ghail saka tumawa ng malakas kaya napangisi naman ako.

"Wow ah!coming from you?Eh noon nga e ikaw ang unang nagkagusto kay Third."-sabi ko at natawa naman siya.

"Matagal na iyon noh!eh ikaw?matagal mo na din naman siyang mahal ah,pero haggang ngayon siya pa din ang laman niyan."-Turo ni Ghail sa dibdib ko na animo'y nakikita niya ang puso ko.

"Pwede magtanong?kasi noon alam ko naman na mahal mo si Third e.Bakit hindi mo siya pinaglaban?Eh minahal ka din naman ni Third noon."-Tanong ko bigla kay Ghail at napatigil naman siya sa pag-inom ng kape saka matamis na ngumiti saakin.

"Hindi naman kasi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo na.Pero hindi lang sa bagay nangyayari iyon.Pati na din sa tao."-nakangiting sabi ni Ghail.

"Anong ibig mong sabihin?"-tanong ko Ghail.

"Na kahit gaano mo kagusto ang isang tao kung hindi siya para sa'yo matuto ka na pakawalan ang taong iyon.Kasi para saan ba kung lalaban ka?kung sa una pa lamang ay alam mo ng talo ka."-sabi ni Ghail at di ko maiwasan ang mamangha sa mga sinasabi niya.

"Siguro nga ay may tao talagang darating sa buhay natin na magiging mahalaga saatin.Na akala natin ay atin pero hindi pala.Pero kahit na ganon pa man,huwag ka magsisisi na makilala mo ang isang tao kahit sinaktan ka pa nito.Kase hindi mo maitatanggi na kahit papano ay napasaya ka din nila."-dagdag pa ni Ghail.

Hindi ko nagawang umimik sa sinabing iyon ni Ghail.Kahit saang anggulo mo kasi tignan ay tama siya!may point siya.

"Kaya ba pinakawalan mo si Third noon?"-tanong ko.

"Mmm."-sabi niya saka tumango-tango.Tumingin siya saakin saka hinawakan ang aking kamay.
"Kase nakikita ko kung gaano ka niya kamahal.Kaya nag let go nalang ako,mali din naman kasi ako e."-sabi ni Ghail saka binitawan ang aking kamay.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon