Chapter25:Revelation

1.2K 63 0
                                    


THIRD POV.

Hindi ko akalain na sa pangalawang pagkakataon ay may muling bibihag sa puso ko.

Hindi ko alam pero simula nung una ko siyang makita ay hindi na mai-alis ang tingin ko sakanya.She's just a simple girl but for me?she is the most beautiful girl in my eyes.

Nung una ko siyang makita ay akala ko malabo na ulit na masundan pa iyon.Taga ibang school kasi siya nag-aaral pero hindi ko akalain na makikita ko pa din pala siya.

Ang babaeng minamahal ko ngayon.

Her name is NAMI SALVADOR.

*Flashback 1 year ago*

[Master Third asaan kana?nasa gym na kami ng paradise academy mag-uumpisa na ang game.]

"I'm on my way."-I said.

Pinatay ko na ang tawag sa phone ko saka nagmadaling pumunta sa gym.
Dahil nga dito ginanap sa ibang school ang event ay hindi ko pa kabisado ang mga daan dito.

May laban kami ng basketball at kalaban namin ang taga Paradise Academy.Mag-uumpisa na ang game pero hindi ko pa rin nahahanap ang gym dito.Shit,bakit naman kasi napakalaki ng school na ito?

Nang marinig ko ang isang ingay na parang may nagsasalita sa mic ay nalaman kong malapit na ako sa gym.
Sakto naman ang pagdating ko dahil mag-uumpisa pa lang ang game.

"Buti master nakahabol ka!alam mo naman na hindi ka pwede mawala."-Ren.

"Oo nga naman,Mvp natin to e."-Taki.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagsimula na ang laro.Maayos naman dahil lamang ang puntos namin kesa doon sa mga taga paradise academy.

Nagpahinga muna ako saglit pero patuloy pa din ang laro.May nag sub muna saakin dahil kanina pa din ako nasa loob ng court at naglalaro.

Napatingin ako sa mga bleachers at nakita ko ang mga estudyante na nag-
Che-cheer.Mas madami ang mga babaeng nanonood kesa sa mga lalaki.
Yung iba ay may pa banner pa.

Bigla nalang nahagip ng paningin ko ang isang babae na focus sa game.
Masasabi kong taga Paradise Academy siya dahil sa t-shirt na kanyang suot.
Hindi ko maiwasan ang mapatawa sa mukha niya na nadismaya dahil saamin nanaman napapunta ang puntos.

Hindi ko alam pero nag-eenjoy akong tignan siya.Ang cute niya kasi,namumula yung pisngi niya sa sobrang pagka-asar niya dahil tambak na ang mga taga paradise academy.

Pumasok muli ako sa court at muling naglaro.Mas lalo ko pang ginalingan at tambak na tambak na saamin ang mga kalaban.Kada shoot ko ng bola sa ring ay tinitignan ko ang babaeng iyon.Ganoon pa din ang itsura niya.

Sorry nalang siya dahil magagaling kaming players ng West University.

Sa huli,kami ang nanalo at ako ang MVP.Madami saaming nagcheer at natuwa na schoolmates namin.Kahit nga yung mga taga Paradise Academy na students ay panay cheer din saamin.

Tska kanina ko pa din napapansin na andami saaking nakatingin na mga babae.Well,I can't blame them.Sino ba naman hindi maaakit sa angkin kong kagwapuhan.

Uminom ako ng tubig dahil sa sobrang uhaw at pagod.Pero worth it naman dahil nanalo kami.

Muli kong nilingon kung saan naka-upo ang babaeng iyon.Pero wala na siya,nagsisialisan na din kasi ang mga tao.Isa na siguro siya sa mga umalis.Nalungkot naman ako bigla dahil hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Magkikita pa kaya ulit kami?

*end of the flashback*

Ayun ang unang beses ko siyang nakita.She really caught my attention
Noong araw na iyon ay hindi ko talaga mai-alis ang tingin ko sakanya.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon