Chapter9:Goodbye?

1.7K 96 4
                                    


NAMI:

Nakipagsiksikan ako sa mga estudyante nakaharang sa harap ng bulletin board.Nakapaskil na kasi doon ang mga grades.

Nang makapunta ako sa unahan kaagad kong hinanap ang SECTION D at tinignan iyon.

Hinanap ko kaagad ang pangalan ko,excited na akong malaman kung anong grado ko!

Liam Third Alonzo-- 98.9

Dex Santiago-- 97.5

Taki Reyes-- 96.7

Nami Salvador-- 95.9

Warren Del Luna-- 93.2

Nanlaki ang mga mata ko at kinusot-kusot pa ito.Totoo ba ito?Bakit ang taas ng average ko!Paking shet!Kaagad kong kinuha ang cellphone ko para picturan iyon at saka ako naglakad pabalik saaming building.

Nakatingin lang ako habang nakangiti saaking cellphone.First time ko kasi makakuha ng ganito kataas na grado!
Worth it yung pinagpuyatan ko.

Pagkapasok ko sa room ang ibang kaklase kong tukmol ay parang nalantang mga halaman.Ang iba naman ay nagsasaya.Tsss!

Tinignan ko ulit ang cellphone ko at may napansin akong kakaiba sa kinuhanan kong litrato.

Ren Sy-- 75.8

ANO?!tignan mo itong lalaki ito!hindi kasi nag-aaral eh.Ang baba tuloy ng grado.Lumapit ako kay Ren ng makita ko siyang nakaupo ng tahimik malapit sa bintana.

"Hooyy ano to!Jusmiyo kang lalaki ka bakit ang baba ng grado mo?"-Panimula ko at napatingin naman siya saakin.

Aba ang loko tumawa pa!

"Bakit ka natawa ha?"-Pagtataray ko sakanya at dahil doon napatigil siya saka nakangiti tumingim saakin.

"Ganyan na ganyan ang sinasabi saakin ng nanay ko."-Sabi niya saka napailing-iling.

"Ehh bakit kasi hindi ka nag-aral?"-Tanong ko sakanya.

"Hindi naman mahalaga iyang grades e,ang importante may natutunan ako."-

Dahil sa sinabi niyang iyon binatukan ko siya kaya naman napa-aray siya at ako naman ay tumawa ng kaunti pero nagseryoso din.

Kailangan kong pagsabihan ang lalaking ito!napakamahal kaya ng tuition dito sayang naman pinapaaral sakanya.

"Kahit na noh!Mas maganda pa din kapag mataas ang grades mo para masuklian mo man lang paghihirap ng mga magulang mo."-Sabi ko.

Huwawww coming from you Nami.
Parang hindi ka naging ganon ah!

Nakita ko naman na tumahimik siya dahil sinesermonan ko siya kaya naman tumigil na ako at pinakita sakanya ang cellphone ko.

"Ganyan din ako dati.Mababa din ang grado ko sa previous school ko,mas malala pa nga ako sayo e."-Sabi ko at ipinakita sakanya ang mga dating grades ko.

Ang baba kaya ng grades ko noon! Ang ave ko ay 75.1,wala kasi akong pake sa grades ko noon e kaya naman sobrang saya ko dahil ngayon pang ako nakakuha ng ave na line of 9!

"Grabee!bakit ganiyan kababa ang grades mo noon?"-Tanong naman ni Ren.

"Tamad din kasi akong mag-aral non.At isa pa palagi akong nasasangkot sa away."-Sabi ko.

"So tama pala yung naririnig ko na madami daw estudyante sa Paradise Academy ay mga basugulero?"-

Tumango naman ako sakanya at tinaas ang kamay ko.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon