Chapter11:Ikaw?

1.6K 88 12
                                    


NAMI:

Pagkapasok ko sa room nakita kong nagkukumpulan sila sa isang gilid at para bang may seryosong pinag-uusapan.

"Nami andiyan kana pala!"-Sabi ni Ren at nilapitan ako.Pero hindi naalis ang tingin ko sa mga tukmol.

"Anong ginagawa nila?"-Tanong ko.

"Ahh,naguusap sila.Ang alam ko may ambagan na mangyayari at balak nilang pagandahin ang gusali natin.
Pati na rin ang room."-Sabi ni Ren.

Tumango naman ako saka lumapit sa mga tukmol.Si Third ay may hawak na papel at parang nililista niya doon ang mga kailangan.

Napatingin naman ako kay Dex  na inirapan ako.Sympre inirapan ko din,maattitude siya kaya dapat ako din.

"Pintura ang kailangan natin,ang loob ng gusali na ito ay puro may sulat ang wall.Tska tanggalin na rin natin yung mga sirang upuan na nakatambak sa taas.Delikado kasi."-Pagsingit ko sa usapan nila.

"Hindi delikado don kung hindi tatanga-tanga ang aakyat."-Sabi naman ni Third.

Napataas ang aking kilay.Aba!purket nasugatan na ako don.So ibig niyang sabihin tanga ako ganon ba?

"Hindi pa pwedeng clumsy lang?"-Sabi ko at inirapan si Third.

Nang matapos na maglista lahat ng mga kailangan ay pinasa na ito ni Taki sa faculty.Ngayon na daw kasi dadating ang mga gamit na iyon.

As usual wala nanaman klase.Pero ayos na din to para naman gumanda-ganda ang room namin na parang basurahan.

--

Kaagad namin tinignan kung kumpleto ba ang mga pinadalang gamit.At kumpleto naman.

Nilabas namin ang lahat ng upuan na nasa room dahil pipintahan namin ang pader sa loob.Mabuti nalang at kulay white ang napili nilang pintura.

Kukuha na dapat ako ng brush para pinturahan ang pader pero may humila nung brush.

"Sila na ang gagawa niyan."-Sabi ni Third.

"At anong gagawin ko?"-Tanong ko sakanya.

"Tanggalin natin ang mga nakasulat sa upuan."-Sabi niya saka saakin inihagis ang isang panyong maliit.

Ano raw?Parang mas gusto ko pang mag pintura kesa tanggalin ang mga nakasulat sa silya.Ang hirap kaya non.

Kahit labag sa loob ko ay sinundan ko si Third na naguumpisa ng linisin ang mga upuan.Nagumpisa na din ako at todo kuskos ako sa mga sulat.Binasa ko ulit ang panyo saka nagpatuloy.

"Putek naman!ang hirap naman nito."-pagrereklamo ko.

"Tssss.Huwag ka kasing magreklamo!gawin mo nalang."-Pagsusungit niya saakin.

Napairap nalang ako sa kawalan saka tinignan siya na limang silya na ang natatapos.Habang ako?ayun hindi ko matapos itong isang silya!

Napailing si Third saka tinulungan akong linisin ang silya na nililinis ko.

"Diinan mo kasi.Lagyan mo ng puwersa."-Sabi niya at pinapakita saakin ang ginagawa niya.

Nawala naman ang mga sulat kaya sinubukan ko ang sinabi niya.Madali nga matanggal kapag ganon kaya lang masakit sa kamay.

Lumipas ang mga minuto ay dalawang upuan pa lang ang natatapos ko habang itong si Third ay nakaka labing lima na.

"Titigan mo nalang ba ako ha?"-Pagsusungit niya nanaman.

"Eh ang sakit sa kamay e!"-Sabi ko at pinakita sakanya ang kamay kong namumula.

Andami ba naman kasing sulat ng mga upuan.Yung tipong wala ng space kapag magsusulat ka,wala ka nang mapaglalagyan.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon