Chapter35:Thank you

1.1K 52 1
                                    


NAMI:

Lahat ng nakikita ko sa hallway ay mga lalaking nagtatanong sa mga babae kung pwede pa daw silang maging 'prom date' sa parating na prom namin bukas.Hindi naman talaga ako mahilig pumunta sa mga ganyan.

Pero ang mga tukmol kong kaklase ay pinilit ako.Hindi daw sila pupunta kung wala ang prinsesa ng section D.
Hayy nako,paano bumabawi saakin ang mga tukmol kong kaklase dahil nagalit ako sakanila nung nakaraan.

Pagkarating ko sa room ay halos mabingi ako sa ingay.Ang mga tukmol ay nakangiti at inaasar si Dex dahil andito nanaman si Eli.Napangisi naman ako ng maisip na niyayaya niya si Dex bilang maging prom date.
Walang naman masama doon,hindi mahalaga kung sino ang mauuna.

Paano,sa panahon natin ngayon mas namulat na tayo sa katotohanan na dapat lalaki ang gumawa ng first move.Pero para saakin hindi naman mahalaga iyon.Subukan mo,mas maganda kung susubukan mo para malaman mo.Hindi mo naman kasi alam kung anong mangyayari di'ba?

Hindi ka man gusto ng tao,ayos na din yon.Basta sinabi mo.Sinubukan mo.
Pero kung sakaling umamin ka sa taong yun at same lang kayo ng feelings.Ang swerte mo.

"Uyyy Dex andito na si Japanese girl mo!yayayain ka siguro maging prom date."-asar ni Taki at ako naman ay hindi mapigilan ang mapatawa sa mukha ni Dex.

"Sorry,hindi ako aattend."-sabi ni Dex habang nakatingin doon kay Eli.

"Bakit?sino bang may sabi sa'yo na ikaw ang pinunta ko dito?"-sabi ni Eli na ikinagulat namin lahat.Lalo pa kaming nagulat ng lumapit siya kay Ren.

"Pumapayag na akong maging prom date mo."-sabi ni Eli kay Ren at ngiting ngiti naman ito.Tinignan ko ang reaksyon ni Dex pero parang hindi naman siya bothered sa mga nangyayari ngayon.Tinignan ko si Eli na hindi naman nakatingin kay Ren.
Nakatingin siya sa reaksyon ni Dex.

Napaisip naman ako.Siguro ay pinag
seselos lang ni Eli si Dex.Pero hindi naman effective dahil nga walang gusto sakanya si Dex.

I feel bad for her...dapat ay humanap nalang siya ng totoong magmamahal sakanya.Parang si Ren,gwapo naman si Ren e.Yun nga lang may katamaran sa pag-aaral.Hindi ko naman siya masisisi,nakakaturn off kaya sa mga lalaki ang hindi pursigido sa pag-aaral.

Nagulat na lamang ako ng may biglang yumakap saakin.Kahit hindi ko siya tignan ay alam ko na kung sino siya.Napangiti naman kaagad ako.

"Ano ba yan tsss.Isa pa ka'yo Nami at Third ah!Edi kami na mga single."-sabi ni Taki at ako naman ay napatawa saka bumitaw sa yakap ni Third.

Hinawakan ni Third ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
Nakangiti siya saakin na parang tuwang tuwa sa mga nangyayari ngayon.

"Oh bat ka nakangiti?"-tanong ko sakanya at hindi na rin mapigilan ang ngumitin

"I just can't believe that you're mine now."-sabi niya na ikinapula ng mukha ko.Para na tuloy akong kamatis.Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti.

Nakakainis!pinapakilig nanaman ako ng lalaking to.

"Nakakainis ka!"-sabi ko na ikinataka niya.

"Bakit?may nagawa ba ako?"-tanong niya na parang naguguluhan.

"Palagi mo nalang akong pinapakilig."-sabi ko at tumawa naman siya sa sinabi ko.Ako naman ay pinandilatan siya ng mata.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"-sabi ko at siya naman ay natawa pa rin.

"Edi mas pakikiligin kita lalo haggang sa manawa ka."-sabi ni Third at ako naman ay ngumiti sakanya.

"Kahit kailan man ay hindi ako mananawa.Hindi ako sa'yo mananawa Third."-sabi ko at nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin niya kaya ako naman ngayon ang ngumisi at inasar siya.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon