Chapter42:Just wait

1.1K 54 3
                                    


NAMI:

Hindi ko na alam kung ilang oras na ba tumatakbo sa isipan ko si Third.
Mula pag gising ko,hindi ko na mali-
mutan pa ang nangyari kagabi.

Malay ko ba,hindi naman kasi ganon reaksyon ang makikita ko mula sakanya.O baka masyado lang akong nag expect?Akala ko kasi kapag nag kita muli kami after 10 years ay matutuwa siya.Yung yayakapin niya ako,tapos sasabihan na namimiss niya ako.

Pero hindi,ang nakita ko lang kagabi ay walang halong excitement sa mga mata niya ng makita niya ako.Parang wala lang,na sinabi niya lang saakin na 'it's nice seeing you again' hindi niya ba ako namiss?Kasi ako,oo.

Tama na nga ang kakaisip,bumaba na ako para mag-ayos ng bahay.Inayos ko din ang sarili ko dahil lalabas ako upang mamili ng groceries.Pinag-
bakasyon ko muna kasi ang mga maid namin sa bahay,alam kong matagal na din silang hindi nakakauwi sakanila mga probinsya.

Well,I can handle myself naman.
Marunong na akong magluto kaya hindi ako magugutom kung manini-
rahan akong mag-isa.

--

Pagkapasok ko sa mall ay tinignan ko ulit ang dala kong papel,listahan na mga bibilhin ko.Wala naman akong gagawin ngayong araw.Nakakapagod kayang maghanap ng trabaho,saka kahapon ay binuhos ko lahat ng oras oo para doon.Siguro ngayon ay chill muna ako.

Kaagad kong kinuha ang mga kailangan ko bago lagyan ng marka ang papel para makita ko kung ano pang mga hindi ko nabibili.Maaga naman akong natapos sa pag grocery pero ayaw ko pang umuwi.

Nilagay ko muna ang mga pinamili kong pagkain sa kotse bago bumalik ulit sa loob at mag gala.Masyado kasing mahirap kung lalakad ako sa mall habang bitbit ko ang maraming paperbags na may laman na pagkain.

Pumunta muna akong department store dahil balak ko na bilhin ang sarili ko ng damit.Minsan lang naman ako bumili ng damit dahil hindi ako mahilig,tuwing may mahahalagang occasions lang.Pero ngayon ay balak ko muna na ilibre ang sarili ko para mawala muna sa isipan ko si Third.

Madami akong nabiling damit at mga sapatos.Kung ano-ano pa ang binili ko na wala naman kwenta at hindi ko alam kung saan ko gagamitin ang mga iyon.Nagandahan lang kasi ako kaya binili ko.

"That will be 10k ma'am."-sambit noong nasa cashier,tumango naman ako saka kinuha ang aking wallet.
Nagulat pa ako dahil 4k nalang ang nasa wallet ko,bigla kong naalala na yung 6k pala ay nagastos ko na lahat sa groceries.

Hindi ako nakapagdala ng extra money!Ano ng gagawin ko?

"Is there any problem,ma'am?"-sabi nung babae sa cashier na para bang sinusuri pa ako.Napangiti naman ako ng pilit dahil nahihiya na din ako ngayon sa sitwasyon ko.

"U-uhmm..ano kasi e--

"I'll pay for that."

Napatingin kaagad ako sa babaeng nagsalita habang nakangiti doon sa babaeng nasa cashier.Tinignan kong mabuti ang babaeng nasa tabi ko dahil parang kilala ko siya.Pamilyar ang itsura niya saakin.

Pero hindi ko maalala kung sino.

Nang humarap siya saakin ng tuluyan ay doon ko napagtanto kung sino siya.

"Hello,Nami."-nakangiting bati niya.

"G-ghail?"-sambit ko dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.Dahil,siya ang naging dahilan ng pag-aaway namin ni Third noon.

Ngumiti ito ng matamis saakin na para bang close kami.

"Yes,nakabalik kana pala sa Pilipinas?"-sabi niya matapos namin makaalis sa cashier dahil natapos ng balutin ang mga binili ko.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon