Chapter24:It's okay,I'm here

1.2K 70 6
                                    


NAMI:

Tahimik akong naka-upo habang nakatingin sa bintana.Malakas kasi ang ulan ngayon at akala ko ay suspende ang klase.Pero hindi.Sa
Pagkakalam ko ay may bagyo ngayon.
Hindi na ako umasang masuspend ang klase dahil kapag ganitong may bagyo at umuulan asahan mo na may pasok.Kapag naman maayos ang panahon ay saka nila isusupinde.

Ang gulo talaga ng PAGASA,parang itong mga kaklase kong tukmol ngayon sa loob ng classroom na panay laro at habulan.Hindi ba sila napapagod?Para silang mga bata dahil ang taas ng energy nila.

Kapag ganito naman ang panahon na malamig ay ang sarap matulog lang.
O kaya naman katulad ng ginagawa ko ngayon,nakadungaw sa bintana habang nakasaksak ang earphones saaking dalawang tenga.Kulang nalang ay kape para kumpleto na.

Mamaya naman ay makakadiretso uwi na ako.Wala na kasi kaming tuturuan ni Third dahil ang sabi saamin ng adviser namin ay huwag daw namin araw-arawin ang pagturo sa mga yon.Siympre,estudyante pa rin naman kami dito at may ginagawa din kami.

Kaso hindi pala din ako makakauwi ng maaga.May plano kasi ako mamayang uwian.May importante akong sasabihin kay Dex.

Nilingon ko kung nasaan siya naka-upo at sakto namang nakatingin siya saakin.Sinenyasan ko siya na punta kami mamaya sa rooftop kapag uwian.Pero hindi niya ata nagets ang nais kong iparating sakanya.

Napailing nalang ako saka tinext sakanya ang nais kong sabihin.Nang mabasa niya naman iyon ay tumango siya saakin saka ngumiti.

"Tignan mo itong dalawa ito!magkasama na nga panay text pa."-Sabi ni Taki saka umupo sa tabi ko.

"Hayy palibasa kasi walang nag kakagusto sai'yo e."-pang-aasar na sabi ko kay Taki at halatang natamaan naman siya.

"Mapanakit ka sa mga sinasabi mo Nami ah!"-sabi nito na ikinatawa ko.

"Nga pala,hindi ka pa ba nagkakaroon ng girlfriend?"-curious na tanong ko sakanya at nakita ko naman ang pag-iwas niya ng tingin.

"Hindi pa."-sagot niya.

Ikinagulat ko naman ang sagot niya.
Aaminin ko na gwapo itong si Taki at matalino pa.Mabait din siya at madami sakanyang nagkakagusto.
Joke ko lang yung kanina,ang totoo nga niyan ay andami niyang fangirls noong pinanood ko ang gig nila.

"Bakit?halaa huwag mong sabihin..."-
Sabi ko.

"Hindi ako bakla Nami!"-Pag-tanggi niya na para bang nababasa niya ang nasa isipan ko.

Mind reader pala itong si Taki.Hindi ko alam yon ah.

"May nagugustuhan akong isang babae.Pero alam ko naman na hindi niya ako gusto."-sabi niya.

Napataas naman ang kilay ko.

"At paano mo namang nasabi na hindi ka gusto nung babae?umamin ka na ba?nireject ka?"-Sunod sunod na tanong ko.

"Hindi.Wala kasi akong chance para malapitan siya.Masaya na kasi siya sa boyfriend niya at ayoko na silang guluhin pa."-sabi ni Taki kaya naman nagtaka ako.

"Sino ba yung babaeng laman ng puso mo?"-tanong ko kay Taki at parang naghihiya pa siya saaking sabihin iyon.

"S-si.."-sabi nito na binitin pa ang sasabihin.Ako naman ay titig na titig sakanya at hinihintay ang mga katagang bibigkasin niya.

"Kilala mo siya Nami,pero hindi ko masabi.Ayaw ko kasi may makakaalam e."-sabi niya.

"Hayy naku!kung hindi mo sasabihin huwag ka nang magpabitin ha?Curiosity will kill me!"-sabi ko.

Nagulat naman ako ng lumapit siua saakin.Sobrang lapit!anong ginagawa ng lalaking ito?Itinapat niyanang bibig niya sa tenga ko saka may ibinulong saakin.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon