Chapter12:Strangers

1.6K 86 8
                                    


NAMI:

Maaga akong pumasok ngayon dahil balak kong maglakad.Bibilangin ko kasi ang bawat hakbang ko papuntang school.

Siympre joke lang!Ang aga ko kasing nagising sa hindi malaman na dahilan kaya ito nasa school na ako at wala pang mga estudyante.

Papunta na ako sa room namin at wala akong nakikinig na ingay.Wala pa siguro ang mga tukmol!So meaning ako pa lang ang nauna dito.

Papasok na ako ng room at nakasalubong ko si Third sa pintuan kaya nagkatinginan kami sa isa't isa.

Hindi ko siya kinausap at siya naman e lumabas na ng room.

'Don't talk to me'

Naalala ko pa ang sinabi niya saakin kahapon.Edi wag!hindi ko maman kawalan kung ayaw niya saakin makipag-usap.

Ang pinagtataka ko lang.Bakit siya nagkakaganun?oo,nasigawan ko nga siya kahapon dahil akala ko e siya yung lalaking nagligtas sakin.Pero maliban man don wala na akong ginawa na pwede niyang ikagalit saakin.

Ano pa nga bang aasahan ko?malakas nga pala ang topak ng pinuno ng tukmol na iyon.

--

Lumipas ang ilang minuto isa-isa ng nagsidatingan ang mga kaklase ko.
Mabuti naman dahil halos mamatay na ako sa tahimik tska ang akward nung kami lang ni Third kanina sa room.

Ang kaninang tahimik na paligid ay napaltan ng maingay.Dumating na ang teacher namin kaya napangiti ako.

Ilang araw din kaming wala teacher noh.Kahit nakakatamad makinig sa lesson ng adviser namin dahil nakakaantok ang boses niya.

"Okay class,I will group you in three.
At kailangan niyong gumawa ng reaction paper sa video ipapakita ko."-Sabi ni ma'am.

Tumango naman ang lahat at nagsimula ng magbanggit si maam ng mga apelyido.

"Reyes,Sy,Del Luna."-

Ano ba iyan!gusto ko sanang kagrupo sila Taki at Ren e.Kaya lang hindi natawag ang apelyido ko.Sana man lang yung magiging kagrupo ko ay may ambag.

"Group 5,Alonzo,Santiago,Salvador."

Ano daw?Tama ba ang pagkakarinig ko?Yung dalawang pinuno ng mga tukmol ang kagrupo ko.

Okay na sana dahil matalino naman ang dalawang tukmol na ito.Ayun nga lang hindi ko gusto na andito si Third dahil nga hindi pa rin kami nag-uusap.

Lumapit saakin ang dalawa at umupo sa may tabi ko si Dex.Si Third naman ay kumuha ng silya kahit na may bakanteng upuan sa tabi ko,hindi siya umupo don.

Pinanood na saamin ni maam ang shortfilm na gagawan namin ng reaction paper.

'Bullying"

Iyan ang title ng shortfilm na kasalukuyan namin pinapanood.

Nakatutok lang ang mga mata ko sa screen at tinitignan ang bawat pangyayari.

Sa video pinapakita dito,ay ang mga kabataan na binubully ang kapwa nila estudyante.Hindi lang mentally pati na rin Physically,at sa huli na video nag suicide ang babaeng binubully.

Nang matapos na kaagad namang nagsulat si Dex sa isang papel kaya naman kumuha na din ako ng papel para isulat doon ang mga magiging reaksyon ko.

Napatingin naman ako kay Third na walang ginagawa binigyan ko siya ng papel pero tinignan niya lang iyon at hindi kinuha.

"Edi wag."-Bulong ko at binilog ang papel saka hinagis iyon sa kung saan.

"Tangina!sinong naghagis nung papel?"

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon