Chapter6:BlondeHair

1.7K 95 3
                                    


NAMI:

"Im so sorry Nami!hindi na namin uulitin,please patawarin mo na kami."-Sabi ni espasol1.

Napangisi naman ako dahil silang tatlo ay nakaluhod sa harapan ko.Pumunta kasi sila dito sa room namin ngayon at akala ko e aawayin nanaman ako ng mga espasol na ito pero laking gulat ko ng nagsosorry sila saakin.

"Oh anong nangyari?Asaan na ang tapang niyo?"-Pang-aasar ko sakanilang tatlo at tinaasan sila ng kilay.

Nakita ko naman ang pasimpleng pag-irap nilang tatlo kaya lalo akong napangisi.

"Okay.Hindi ko pa rin kayo patatawarin."-Sabi ko na ikinagulat na sabay tayo at inis na tinignan ako.

"Huwattt?!Putek na iyan,patawarin mo na kasi kami!ang arte mo kami na nga humihingi ng pasensya sayo."-Espasol 2.

Napataas naman ang aking kilay.

"Hindi kasi kayo sincere.Ganan ba kapag nagsosorry kayo sa isang tao?labag sa kalooban niyo."-Sabi ko.

"Eh kasii namann--

Hindi natuloy ng mga babaeng ito ang reklamo nila ng pumasok si Third saaming classroom at bigla ulit silang napaluhod saakin.

"Aish!umalis na nga kayo."-Inis na sabi ko sakanila at pinandilatan sila ng mata.Umalis naman na ang mga babaeng iyon kaya nawala ang sakit ng ulo ko.

Nakatunganga nanaman ako ngayon sa room dahil wala nanaman kaming teacher.Ano ba yan,bakit kapag sa ibang section pumapasok ang mga teacher na iyon?kapag saamin section D hindi?

Tumingin ako sa likuran at kanina pa kami nagpapalitan ng irap ni Third.May topak nanaman ang isang ito!nakatingin lang sakanya e bigla akong iirapan kaya iniirapan ko din siya.

Absent naman sina Ren at Taki kaya wala akong makausap!bakit kaya wala ang dalawang iyon?

Bigla kaming napatingin lahat ng bumukas ang pintuan at nilabas nito si Blondehair.Ngayon nalang ata ito pumasok ah,tagal ko na kasi siyang hindi nakikita.

He looked sad,parang may problema siya dahil halata sa mukha niya.Sinundan ko siya ng tingin at tahimik siyang umupo sa upuan malapit sa bintana at nakatitig lang siya doon.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at tumabi sakanya na ikinagulat niya.

"Hello!"-Sabi ko at nginitian siya pero hindi niya ako pinansin at tumingin ulit sa bintana na para bang malalim ang iniisip.

"Ano ba iyan sungit din ng tukmol na ito kagaya dun sa pinuno nila."-bulong ko pero napalingon itong si blondehair at tinignan ako ng masama.

"What are you still doing here?Get lost!hindi namin kailangan ng babae sa section na ito."-malakas na pagkakasabi niya dahilan para tumahimik ang buong paligid.

Magsasalita pa sana ako kaya pang naunahan ako ni Dex.

"Hoy Warren,ba't badtrip ka nanaman?"-Tanong ni Dex at nilapitan kami.

Sinenyasan pa ako ni Dex na umalis na muna kaya lumayo ako sakanila lumabas muna ng classroom dahil wala naman klase.

Mag-gagala muna ako dito sa building namin.Kami nalang kasi ang gumagamit nitong building at sa ibang floor ay nakasarado na ang mga classroom dahil walang gumagamit.

Umakyat ako sa second floor at andami ng mga sirang upuan at table ang nakatambak sa hallway nito.Naka-kadena na din ang mga ibang kwarto.

Kahit na medyo mahirap maglakad doon tumuloy parin ako pero napangiwi ako sa sakit ng tumama ang binti ko sa isang matulis na bakal.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon