Chapter23:Weird

1.1K 57 0
                                    

A/n;I'm so happy that we finally reached  1k readers yesterday.
Humayo kayo at lalo lang magpakarami hahaha,labyuu all.

enjoy reading :*

NAMI:

"Hindi naman sa nagingialam ako,
pero..may something ba sainyo ni Third?"

Hindi ko pinansin ang babaeng nagtatanong saakin ngayon bagkus ay busy ako sa pagtingin ng mga test paper niyang puro bagsak.

At oo,tinuturuan na nga namin ni Third ang mga bagsak sa section C.
Grabe,ang mga scores na nakuha nila sa mga exams ay wala pang kalhati.

"Kasi..nung nanood kami sa gig nila kagabi,sinabi niya sa mic na 'I will wait'.Anong meaning non?"

Tinignan ko ng masama ang babaeng ito saka ko hinampas ng malakas ang upuan.Nagulat naman siya doon.

"Hindi ako nagpunta dito para makipagchismisan sayo.Andito ako para turuan kayong mga bagsak."-sabi ko at pinipigilan ang gigil ko.

"Nagtatanong lang naman e..sungit mo naman!akala mo ay ka'y ganda mo."-sabi ng babaeng ito saka umirap.

"Well,hindi ako natutuwa sa mga tanong mo.Kapag chismis ay may oras ka,pero sa pag-aaral?nganga!tignan mo naman ang mga scores mo."-sabi ko at ipinakita sakanya ang mga test paper niya.

"13/100 ang highest mo?at meron pang 1/100!"-sabi ko at napailing-iling.
Kababaeng tao ayaw mag-aral ng mabuti.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang mga estudyante ito ay nasa section C.Di hamak na mas marami pang alam ang mga tukmol kong mabababa din ang grado dito sa mga ito.

Ang buong akala ko ay yung mga kaklase kong tukmol na ang may pinakamababang scores at grades.
Pero nakakastress tignan ang grades ng mga sampung estudyante bagsak na taga section C.

"Eh ano naman?numero lang iyan!
Wala akong pakialam diyan at least maganda ako."-sabi ng babaeng ito na panay lagay ng kolorete sa mukha.

"Anong silbi ng ganda mo kung wala ka namang utak."-pagtataray ko sakanya at natigilan naman siya.

"Palibasa di ka lang maganda e."-sambit ng babaeng ito.

"Aba't sumasagot ka pang tanga ka!"

"NAMI!WORDS."

Hindi ko naituloy pa ang mga nais kong sabihin at pinipigilan ko ang galit.Putek idagdag mo pa itong si Third,nag-iinit din ang dugo ko sa lalaking ito.

Parang ngayon niya balang ata ulit ako pinansin.Pero hindi naman yung usual na pansin dahil pinag-sabihan niya lang ako.

Tumayo na ako sa kinatatayuan ko.
Dalawang estudyante na ang naturuan ko ngayon.Si Third naman at tatlo na,lima nalang ngayon ang di pa namin natuturuan.

Tumingin ako sa orasan dahil palubog na ang araw.Mag-gagabi na din at gusto ko nang umuwi kanina pa,ngayon narealize ko na nakakapagod pala magturo.

Ang hirap siguro maging teacher lalo na kapag may mga pasaway kang estudyante.Yung tipong pagod kana buong maghapon tapos may mga pasaway pa.Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hindi na kami pinapasukan ng mga teacher sa section namin.

Napatingin na lamang ako kay Third at doon sa tinuturuan niya.Tumayo na ang lalaking tapos niya na turuan at nagpasalamat iyon kay Third.

Nakita ko din na humikab si Third,
Hindi lang pala ako ang pagod at inaantok samaing dalawa.Dahil siya din.

Napaiwas na lamang ako ng tingin ng
papalapit si Third sa gawi namin.

"Ohh myy!iyan ang gusto ko na si Third ang maturo saakin."-kinikilig na sabi ng babaeng ito.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon