Chapter20:I like you

1.4K 69 2
                                    


NAMI:

"Saan ka pupunta?"

Nakasimangot akong hinarap si Third na nakaupo sa sofa namin ngayon.

"May bibilhin lang sa labas."-sabi ko at nabaling naman ang atensyon niya saakin.

"Anong bibilhin mo?"-

"Pagka--Teka ngaa!!nasa Q and A portion ba ako?andami mong tanong ah!"-inis na sabi ko.

Nakita kong tumalim ang tingin niya saakin.Gusto ko lang muna makalabas sa bahay na ito dahil naiilang pa rin ako haggang ngayon sakanya.Hindi tuloy ako makatingin sakanya ng diretso.

Siya naman ay parang wala lang sakanya yung nangyari.

"Mabilis lang ako at babalik na kaagad."-Sabi ko saka binuksan ang pinto pero nagsalita nanaman siya.

"Talagang bumalik ka kaagad kung ayaw mong isumbong kita."-sabi niya na ikina-init ng ulo ko.

Jusmiyo,umagang umaga badtrip ako ng dahil sa lalaking to.Wala pa namang pasok ngayon dahil sabado,at ayaw ko siyang kasama buong maghapon sa bahay.Baka magkagulo pa!

"Edi isumbong mo.As if I care."-pagtataray ko sakanya at napatingin ulit siya saakin kaya ako ay nag-iwas ng tingin.

"Hindi na oobra saakin iyang halik mo.Even if you kiss me a hundred times isusumbong pa din kita."

Namula naman ang pisngi ko bigla.

"Ano ba?!putek huwag mo na ngang banggitin yan!"-inis na sabi ko at napatawa naman siya.

"Na ano?na hinalikan mo ako?"-Pang-aasar niya.

Tawa naman siya ng tawa at mukhang nag-eenjoy sa pang-aasar na ginagawa niya saakin.Ahhh ganun ah!patay ka saakin.

"Bakit?nagustuhan mo naman di'ba?"-Taas kilay na tanong ko sakanya dahilan para siya ay matigilan sa pagtawa.

"H-ha?Hindi ah!"-pagtanggi niya at nginitian ko maman siya ng matamis.

"Ahhh talaga?sa pagkaka-alala ko kasi ay matapos kitang hinalikan ay ikaw naman ang humalik saakin."-sabi ko.

Hindi naman siya naka-imik at nag-iwas tingin na lamang saakin kaya ako naman ngayon ang napatawa.Akala mo ha!kung malakas ka mang-asar,paano pa kaya ako?

"Tsssss.Umalis ka na nga!"-sabi niya.

"Ikaw ang umalis tanga.Bahay ko kaya ito!"

Nakita kong tumingin siya saakin at ngayon ay alam kong naiinis na ito saakin.

"Words."-

"Eh ano bang pake mo kung magmura ako?"

"Hindi maganda sa babae ang pala-mura!"

"Tsss andaming arte ng lalaking to!"-sabi ko saka tuluyan ng umalis ng bahay.

Naglakad ako sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng makakain.Hindi kasi ako marunong magluto at iyong si Third naman ay kinain yung natirang cup noodles na stock sa bahay.

Pumasok ako sa loob saka bumili doon ng makakain ko.Dito na rin siguro ako kakain dahil ayoko muna doon sa bahay.Umupo ako sa isang table at nag-umpisa doon kumain.

Habang kumakain ako ay may nagtext naman sa cellphone ko kaya kaagad ko iyong kinuha.Si Dex.

Dex

Nami,available ka ba ngayon?labas tayo.

Kumunot naman ang noo ko at napangiti na rin ng mabasa ang messages niya saakin.Kaaagad ko itong nireplyan at tinanong kung saan kami pupunta.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon