Chapter17:The tour

1.4K 81 3
                                    

NAMI:

"Nami bilisan mo!maiiwan na tayo doon sa baba."-Sabi ni Shamie saakin.

"Eto na,malapit na ako matapos magbihis."-Sabi ko habang nasa loob ng cr.

Bakit naman kasi hindi nila ako ginising?Hindi tuloy ako nakakain ng umagahan.Tapos kailangan ko pang magmadali ngayon!

Lumabas ako ng cr saka nagmadali suklayin ang buhok ko at nagpulbos.

Kaagad kaming sumakay sa elevator ni Shamie.Mabuti nalang at andoon pa ang mga estudyante sa baba at kausap nila ang mga tour guides.

Lumapit na ako dun sa section namin at si Shamie e nakijoin saamin kahit hindi naman talaga siya taga section D.Wala daw kasi siyang ka-close sa section B,balita ko e nabubully siya.

Dumating ang mga sasakyan na pang tour.Maliit lamang ito at dalawang tao lang ang puwedeng sumakay.Tapos may driver doon sa unahan.Open itong sasakyan kaya kitang-kita ang view.

Tinignan ko naman si Ren pero nakasakay na siya sa isang sasakyan at may katabing babae taga ibang section.Si Taki naman?Ayun kasama yung isa naming kaklase.

Hindi din naman pwede si Shamie dahil alam kong si Warren ang isasama niya dyan.

"Tara?"-Sabi saakin ni Dex at hinila ako doon sa isang sasakyan.

Wala naman na akong nagawa ng makasakay kami.Aandar na sana ang sinasakyan namin ng pigilin ito ni Third.

Problema nanaman nitong lalaki ito?

"Saakin siya sumama."-Sabi ni Dex.

Seryoso kaming tinignan ni Third.

"I know."-Sabi ni Third.

Nagulat naman ako ng may inabot saakin na tinapay tska drinks si Third.
Kinuha ko iyon dahil gutom ako at wala pa akong kain.

"Eat it.Hindi ka kumain kanina e."-Sabi ni Third.Magpapasalamat na sana ako pero umalis na siya bigla at sumakay doon sa sasakyan na nasa likod namin.

Umandar na ang sasakyan kaya umayos ako sa pagkakaupo at nagseatbelt.Excited ako e!andami kasi naming pupuntahan ngayon.

"Goodmorming ma'am and sir.So today we have five destinations.Ang una natin pupuntahan ay ang cave of love."-sambit ni manong driver.

"Huh?Bakit po tinawag na cave of love?"-Tanong ko dun sa driver dahil nacurious ako.

"Ayon kasi sa kuwento ng mga nakakatanda dito,nung unang panahon daw ay may isang lalaki at babae na naligaw sa cave na iyon.
And they find each other,nagtulungan sila kung paano makakalabas sa cave na iyon.Pero hindi ito napadali,mga ilang linggo din silang nastock doon kaya mas lalo silang nagkakilala ang nainlove."

Namangha naman ako sa kuwento.

"Sa totoo nga,sa tagal ko nang nagtatrabaho dito.Madami ng torista ang naligaw sa cave na iyon,at sa huli?sila ang nagkakatuluyan."

"Parang ang imposible naman ata nun kuya!"-Sabi ko pero tumawa lang si manong.

Tumingin nalang ako sa buong paligid habang naandar ang sasakyan.

"Mag kasintahan kayo?"-Biglang tanong nung driver.

Nabilaukan naman ako dahil umiinom ako ng juice.

"Ayos ka lang?"-Biglang tanong saakin ni Dex.Napatingin ako sakanya na nag-aalala na nakatingin saakin.

"Oo!"-Sabi ko at uminom muli ng juice.

"Ayaw kasi magdahan-dahan e."-Natatawang sabi ni Dex saakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"And we're here!"

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon