Chapter33:Not interested

1K 56 0
                                    


A/n: Since EXO Baekhyun birthday yesterday. [The potrayer of Dex Santiago] Sakanya pov muna niya ang buong chapter na ito.Belated happy birthday Baekhyun♡

DEX:

"What are you doing here?"

Hindi ko sinagot ang tanong saakin ni Third bagkus ay umupo ako sa silya na katabi niya.Tumingin ako sakanya saka tinapik ang balikat niya.

"Congrats.You won."-sabi ko habang iniinom ang coke na hawak ko.

"Tsss.Congrats for what?"-tanong nito.

Tinignan ko ang hawak kong coke na kakaunti na lamang ang laman.Hindi naman talaga ako pala-inom ng ganito pero ewan ko ba at hinahanap ko ang lasa nito.

"You'll find out soon.Once you already know it.Thank me."-sabi ko saka iniwan siya doon na nag-iisa habang nagugulo ang isip.

Habang naglalakad ako ay halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko.
Alam kong sa mga panahon ito ay mas angat ang lungkot na aking nararamdaman.

Sino ba naman kasing hindi malulungkot kapag nakita mo na yung taong mahal mo ay may mahal ng iba?But that's love.Sabi nga nila,
kapag pinasok mo dapat handa ka din harapin ang mga consequences.Kahit pa nakakasakit ito.

Pinagmasdan ko si Nami na mukhang malalim ang iniisip.Siguro ay iniisip niya pa din yung tungkol kila Third at Sierra.

"Type ba ni Third ang magagandang babae?"

Bigla akong napaisip.Sa tagal na namin nagkakausap ay wala siyang nababanggit na tipo niya sa isang babae.

"I don't know.Kahit matagal na kaming magkakilala non ay hindi ko alam ang gusto niya sa isang babae."

Tinignan ko si Nami na tumango-tango.She looks very beautiful kahit napaka-simple lang ng ayos niya.Hindi siya katulad ng ibang babae na andaming nilalagay sa mukha at nagsusuot ng mga revealing clothes para lang mapansin o maging maganda.

I think that's the reason why I love her.Kakaiba siya sa lahat.

"But I think it's a yes."-dagdag pa nito.

"Huh?bakit mo nasabi?"-Tanong ko.

"He likes you.So that means he likes pretty girls."

Kahit sino naman lalaki ang makakakita sakanya ay talagang mamangha sa kagandahan niya.
Hindi niya lang alam pero maraming nagkakagusto sakanya na mga kaklase namin.

I can't blame them.Kahit nga ako ay gusto ang babaeng ito.Akala ko nung una ay panalo na ako,akala ko ay saakin na siya.Pero mali,aminado naman ako na nakagawa ako ng isang bagay na ikakasakit niya.Pero hindi ko naman sinasadya iyon.

Damn.I don't want to think about it again.Nung mga panahon na iniiwasan ako ni Nami ay halos gumunaw na ang mundo ko.

Ewan ko ba kay Ghail.Ang buong akala ko ay wala na siyang paki-alam saakin.But that day,nagpunta siya saakin para sabihin ang mga nararamdaman niya.

Pero wala,para bang nawalan na ako ng paki-alam kay Ghail.Nag-iba na kasi siya,hindi na siya yung babaeng minahal ko noon.

Sumulyap muli ako kay Nami na haggang ngayon ay lutang pa din ang isip.

Nung mga panahon na iniiwasan niya ako.Pinanood ko lang siya at si Third na mapalapit sa isa't isa.Haggang sa huli na ang lahat.Hindi ko man lang naitama ang mga pagkakamali ko sakanya.

--

[Can you do me a favor?Pwedeng ikaw muna ang magturo sa hawak kong klase?]

Kaagad kong nireplayan si Third at pumayag.Alam ko naman kung bakit,
Lahat nasaksihan ko.Yung pag-amin ni Nami kay Third.Lahat ng iyon.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon