Chapter14:Confirmed

1.5K 74 2
                                    


NAMI:

"Ay puchaa!!"-Sigaw ko.

Napatingin naman saakin ang mga tukmol at ako e nakatingin sa cellphone ko.

Ang laki na kasi nung worm ko e!1M na yung weight niya tapos nataya pa.
Bwisit!pinaghirapan ko iyon e.

"Words."

Napatingin ako sa nagsalita non ay si Third pala.Lakas din ng topak nitong lalaking ito e,hindi ako pinapansin nung nakaraan tapos ngayon kinakausap na ako.

Bahala siya diyan,may pasabi-sabi pa siyang 'Don't talk to me' tapos siya ngayon ang kakausap saakin.

"Ano ba iyan?Bakit inis na inis ka diyan?"-Sabi ni Taki na nasa tabi ko na pala saka niya hinigit ang cellphone ko.

Napailing nalang ako ng maglaro na rin si Taki doon sa cellphone ko.Wala tuloy akong magawa ngayon.

"Master Third at Nami,pinapatawag kayo ni ma'am.Punta daw kayong faculty!"-Sigaw ni Warren na kakadating lang.

"HA?!Bakit ako?"-Tanong ko.

"Hindi ko alam."-Sagot naman ni Warren

Ayoko ngang sumama!tapos kasama ko pa si Third?eh ayoko ngang kausapin yung tukmol na iyon e.

"Tsss.Let's go."-Sabi ni Third na nakatayo sa harap ko.

Hindi naman ako tumatayo sa upuan ko at kunwari e hindi ko siya nakikita.
Bahala siya sa buhay niya!

"Tatayo ka diyan o tatayo ka?!"-Tanong niya.

"O."-Sabi ko.

Nakita ko namang tumalim ang tingin niya saakin.

"Isa!"-Pagbilang niya.Nakatingin pa siya saakin ng seryoso at hinihintay ako na tumayo.

"Dalawa!"

Pinabayaan ko lang siya,kahit magbilang pa siya ng 1Million or more hindi ako tatayo dito.

"Last Warning,Nami!"-Pagbanta niya.

"Tatlo!"

"Eh bwiset!Ba't ba hindi nalang ikaw ang pumunta don magisa?Sabihin mo kay ma'am masama pakiramdam ko."-Sabi ko.

Nakita ko naman napataas ang kilay at magsasalita na sana kaya lang may nagsalita sa likod.

"Mauna kana Third,ako nang bahala kay Nami."-Sabi ni Dex na nasa likod ko.

Nagulat naman ako ng bigla akong higitin patayo ni Third.Kinaladkad niya pa ako palabas ng room.

"Ano ba!bitawan mo ako."-Inis na sabi ko sakanya.

Pero ang tukmol na ito parang walang naririnig.

"Ano ba!!"-Sigaw ko dahilan para inis siyang mapatingin saakin.

"Tsss.Could you please shut up?!At hindi kita bibitawan baka tumakas ka."-Inis na sabi niya.

"Hindi ako tatakas!kaya bitawan mo na ako."-Mahinahon na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Mas gusto ko naman na kasama itong si Third kesa kay Dex.Simula kasi nung gabing iyon,nalaman kong hindi si Dex ang nagligtas saakin nung gabing iyon.

Pero hindi pa rin ako binitawan ng lalaking ito!Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko.Napapatingin pa tuloy saamin ang mga ibang estudyante.

Tapos napapatingin sila sa kamay namin na magkahawak.

Nang makakuha ako ng pagkakataon ay inalis ko ang kamay ko sakanya.
Kukunin niya pa sana iyon kaya lang mabilis akong kumilos at itinago ang kamay ko sa likod.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon