Chapter5:Part of section D

1.9K 101 5
                                    

NAMI:

"Ms.Salvador,saiyo nakasalalay ang buong tiwala ko at ng section mo.Hindi mo sana kami biguin sa quiz bee."-Sabi ni Mrs.Dizon,ang aming class adviser.

"Opo.Gagawin ko po ang best ko."-Sabi ko at lumabas na nang faculty.Goodluck nalang saakin!As if naman kaya ko talaga isolve ang mga math problems na iyan.

Bahala na!

Lantutay akong bumalik sa room at pagpasok ko halatang tinatamad din ang mga kaklase kong tukmol.

"Ano sabi sayo ni maam?"-Tanong naman ni Taki saakin.

Chismoso din ang isang to e!Nilapitan ako nung dalawa.Si Taki ay kinukulit ako habang si Ren naman ay todo kain di man lang namimigay.

"Ano ngang sabi?"-Pangungulit ni Taki.

"Wala.Sinabi lang yung about sa quiz bee."-Walang ganang sabi ko.

"Huwag kang mag-alala.Kahit hindi mo ipanalo yung section natin,sanay naman na kami matawag na mga bobo."-Sabi naman ni Ren.

"Bwisit naman kasi yung Third na iyon e!kasalanan niya to."-Sabi ko at bigla nalang akong napatakip ng bibig.

Hindi ko dapat iyon sasabihin e!baka magsumbong ang dalawang alagad na ito ni Third.Eh ano nga naman pala?bat pala ako matatakot?

"Si Master Third!"-Sigaw ng isang kaklase ko at nagsi-ayos naman ang lahat sa pag-upo.

Napatingin ako kay Third sa pagpasok niya sa pintuan at kaagad na nabalot ng awra niya ang buong room.Lakas ng pakiramdam doon sa awra niya ah!

"Bakit may mga sugat siya sa mukha niya?Tska mga pasa."-Sabi ni Ren habang nakatingin kay Third.

Binalik ko ang tingin ko kay Third na nakatingin din pala saakin ng seryoso!Kaagad kong iniwas ang tingin sakanya.

"Baka nakipag-away nanaman."-Bulong naman ni Taki.

Tumingin muli ako kay Third at doon napansin ko nga na may mga sugat siya sa mukha at pasa na mukhang bago pa lang.Barumbado din pala ang isang to e!

Habang nakatingin ako sakanya ay tumingin nanaman siya saakin at hindi pa ako nakakaiwas ng tingin ng magsalita ang katabi ko.

"Master Third!Sabi nga pala ni Nami kanina bwisit ka daw."-Sabi ni Ren na ikinalaki ng mata ko.Pahamak itong lalaking to e!

Sa sobrang inis ko binatukan ko si Ren at muling tumingin kay Third na walang reaksyon.Himala,hindi highblood ang lalaking iyon ngayon!

Nagumpisa na ang klase at siympre dahil ako'y isang mabait na estudyante na nagbabagong buhay na nakikinig ako sa lesson.Kailangan ko makakuha ng ave.85 pataas para makalipat sa ibang section.

Matapos ang lesson inutusan ako ni Sir na pumunta ng section A at kuhanin ang bag na naiwan niya saka ko daw dalhin sa faculty.Naks naman!Andami siguro matatalino sa section A.

Nagmamadali akong pumunta sa building S1 at pumasok sa room ng section A.Mabuti nalang at wala silang teacher,pero pag kapasok ko sabay sabay sila na tumahimik at lahat sila ay nakatingin saakin.

"Siya yung transfer student sa section D diba?"

"Oo siya nga!himala ah,after 1 year may babae ulit na naligaw sa section nila."

"Feel ko lilipat din yan ng section!Pero kung ako nasa section D hindi na ako lilipat kasi andun si bebe Third at Dex."

Napangiwi naman ako sa huli kong narinig saka lumapit sa teacher desk at kinuha ang bag ni sir.Bawat kilos ko ay nakatuon ang atensyon nila saakin kaya naman dali-dali akong lumabas ng room nila pero may babaeng humila sa braso ko.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon