Chapter39:Missing you

1.1K 59 9
                                    

THIRD:

Everything it's not the same anymore.
Madaming nagbago simula nung nawala ka,ang dating maingay na kami ay naging sobrang tahimik.
Kamusta ka na diyan?It's been 2 months already but I badly miss you..

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa tinype ko upang isend sana kay Nami.Pero pinangunahan ako ng takot at kaba,natatandaan ko pa ang mga huling sinabi niya saakin.

*Flashback 2 months ago..*

"What are you doing here outside?
wala bang klase ngayon?"-I said nung makita si Nami na nasa labas habang nakatitig lang sa pagpatak ng mga ulan.Wala naman talaga akong balak pumasok dahil puyat ako at pagod na pagod.Isang linggo ko kasing binantayan si Ghail sa ospital.

Napatingin ako sakanya ng hindi siya umimik.

"Kamusta siya?"-biglang tanong niya.

"Ha?"-sabi ko kahit na narinig ko naman na ang tanong niya.Nakita ko siyang ngumiti pero hindi iyon ang inaasahan kong makikita na ngiti ngayon mula sakanya.

Parang may nag-iba,parang ang lungkot.Binaliwala ko na lamang iyon dahil baka sobrang pagod lang ako kaya kung ano-ano ang mga napapansin ko.

"Si Ghail...kamusta siya?"-mahinang tanong niya.

"Kakatapos lang ng operation niya 4 days ago...pero hindi pa din siya totally magaling dahil nanghihina pa din siya."-sabi ko at tumango naman siya.

"Now it's turn to ask my question."-
sabi ko pero hindi pa din siya makatingin saakin.

"Bakit ngayon ka lang pumasok?Balita ko 1 week ka daw absent."-sabi ko pero hindi ako nakakuha ng sagot sakanya.

"What's wrong?naninibago ako ah.
Sobrang seryoso mo."-pagbibiro ko kahit na ang totoo ay naninibago talaga ako sakanya.

Tumingin siya saakin at doon nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.
She's smiling at me but I know deep inside her,there's something bothering her..

"Wala.."-sabi niya pero hindi ako naniwala.

"Kilala kita.Tell me what's wrong."-
sabi ko at nakita ko naman ang pag hinga niya ng malalim.

"I don't know if I can say this to you..
Pero kasi,h-hindi ko na alam kung ano bang paniniwalaan ko."-sabi niya at nagulat na lamang ako ng may tumulo luha sa mga mata niya.

Nilapitan ko siya para sana punasan iyon pero umatras siya saakin at dahil doon ay nasaktan ako.

"Do you....still love her right?"-sabi niya at kasabay noon ang katahimikan na namutawi saaming dalawa.

Gustong kong magsalita.Gusto kong sabihin na 'Hindi na' kasi ikaw na ang mahal ko..but fuck,bakit walang lumalabas na kataga mula sa bibig ko?

"No..."-sabi ko,tanging iyan na lang ang nasabi ko kahit na andami kong gustong sabihin.Andami gumugulo sa utak ko.

"What makes you think that way?"-
tanong ko at wala pa din siyang tigil sa pag-iyak.

"Pwede ba!huwag ka nang magsinungaling saakin.Alam ko naman na e,ako mismo nakita ng dalawang mga mata ko na siya pa din!
Na si Ghail pa din iyang tinitibok ng puso mo."-

"Na nung gabing iyon...n-naisip ko na wow!ganoon pala kahalaga si Ghail sa buhay mo..N-na hindi mo kayang mawala siya,ang sakit e!Ang sakit makita na yung taong mahal ko ay may iniiyakan na iba."-dagdag niya.

"Nami hindi ganoon yon.Hindi mo kasi naiintindihan e,ikaw nga ang mahal ko."-sabi ko.

"Edi ipaintindi mo saakin!"-sigaw niya at kasabay na din ang paglakas ng iyak niya.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon