Chapter18:Treasure Hunt

1.2K 69 2
                                    


NAMI:

Nagtawanan kami ni Third matapos namin maka-usap ang aming adviser.
Galit na galit siya sa ginawa namin e,
kami naman?

Ayan wala kaming pakialam kanina kahit na sinesermonan na kami.

"Nakita mo ba yung ilong niya kanina?Umuusok na sa galit!"-Sabi ko at napatawa naman si Third.

Napahawak ako saaking tiyan dahil sa kakatawa.Hay nako,pigil na pigil nga ang tawa namin sa loob kanina habang nanernermon yon.

"Uy Nami,bakit ngayon ka lang?Kumain kana don sa dining area."-Sabi ni Shamie na nakasalubong namin sa hallway.

"Tapos na kayo?"-Tanong ko dito at tumango naman ito.

Hindi pa nga pala kami nakain si Third dahil pinagalitan pa kami ng magaling naming adviser.Napagalitan kasi siya ng manager ng hotel na ito dahil sa basa ang elevator.

Kagagawan namin yun ni Third.
Aminado naman kami,kaya di na ako nagulat ng ipatawag kami ni maam.

Pumunta kami ni Third sa dining area at kakaunti nalang ang tao.Ang mga taga ibang section ay nagsitinginan pa saamin at nagbulungan,problema nanaman ng mga ito?

Umupo kami sa table sa dulo,kami lang tuloy ngayon ang magkasabay kumain.Yung mga kaklase namin tukmol ay hindi ko alam kung nasaan.

Nagumpisa ko nang kainin ang nakahain na pagkain.

"Ano ba iyan,bakit ba sila nakatingin dito?"-Inis na sabi ko habang tinitignan din ang ibang estudyante.

"Hayaan mo sila."-Sabi naman nitong si Third na puno pa ng pagkain ang bibig.

"Don't talk when your mouth is full!"-Sabi ko sakanya.

"Gusto ko e.Bat ba?"-Sagot niya naman.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at nang matapos kami ni Third ay bumalik na kami sa kanya-kanyang kuwarto.

Pumasok ako sa kwarto pero wala doon si Shamie.Si Ghail lang ang andito habang nakaupo sa kama niya.

Kinuha ko ang bag ko para kunin ang cellphone ko at aalis na kaagad.Ang akward lang kasi kapag may kasama kang hindi mo naman kaclose.

Aalis na sana ako ng magsalita si Ghail

"Puwedeng magtanong?"-Mahinhin na pagkakasabi niya.Humarap ako sakanya saka siya nginitian ng tipid.

"Sure."-Sabi ko at nakita ko naman sa mga mukha niya na pagod na pagod siya.Saan naman siya napagod?ahh,
baka doon sa tour kanina.

"Hindi naman sa nangingialam ako sainyo ni Third.Pero,are you sure na wala talagang namamagitan sainyo?"

Hindi kaagad ako nakaimik sa tanong niya.Natanong niya na iyan kagabi at malinaw na sinabi ko sakanyang wala.bakit pa siya magtatanong ulit ngayon?

"Katulad ng sabi ko kagabi.Wala."-
Seryosong sabi ko.

Nakita ko naman siya na ngumiti.No,
more like a smirk!Aba.

"Pero bakit parehong basa ang mga damit niyo kanina?"-mahinhin na tanong niya.

"Ahh ayun ba?nagswimming lang kami sa beach."-Sabi ko.

"Nang kayong dalawa lang?"

Bakit ba andaming tanong nitong babae ito?kung may gusto pa rin siya haggang ngayon kay Third edi go!hindi ko naman boyfriend iyon para bakuran ko.

"Uhmmm,no?"-Patanong na sagot ko.

Nakita ko naman siya na ngumiti ng matamis.

"Lahat ng estudyante ay busy sa tour kanina.Kaya walang naiwan dito,kaya sinong kasama niyo kanina?ohh,edi kayo nga lang dalawa.Am I right?"

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon