Chapter21:A date?

1.3K 63 1
                                    


NAMI:

Tanghali na ako nagising dahil wala naman pasok ngayon at linggo.Inayos ko ang sarili ko saka bumaba.

Habang pababa ako ng hagdan ay naabutan ko si Third na bihis na bihis at parang may pupuntahan.

"Saan ka pupunta?"-tanong ko saka dumiretso sa dining area namin.
Napansin kong may mga luto ng pagkain na nakahanda doon.

Huwawww.Marunong palang magluto ang tukmol na iyon.

Hindi naman sumagot si Third kaya pumunta ulit ako sa sala.

"Uy bingi ka?sabi ko saan ka pupunta?"-tanong ko sakanya.

"Why you ask?hindi ka naman interesado sa mga ginagawa ko di'ba."

Napangiwi ako sa sagot niya dahil masungit nanaman ang tukmol.

"Nagtatanong lang e,nagsusungit ka."-sabi ko saka umupo sa may sofa.

"Gusto mong sumama saakin?"-tanong bigla ni Third na ikinataka ko.

"Anong meron sa'yo?kanina halos sungitan mo ako tapos ngayon yayain mo ko."-sabi ko.

"Saan naman?"-sunod na tanong ko.

"Bibili ako ng mga kailangan ko sa school bukas.Sumabay ka na din saakin sa pagbili kung gusto mo."

"Hmmm sure.Wala naman akong lakad ngayon e,hintayin mo lang ako."

Patayo na sana ako sa sofa nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at tinignan kung sinong nagtext.

Dex,

Are you free today?tara simba tayo?

Napatingin ako kay Third na nakatingin din pala saakin ngayon.

"A-ahh Third,nakalimutan ko may lakad nga pala ako ngayon."-pagsisinungaling ko.

"With who?"-tanong niya habang inaayos ang kanyang buhok.

"Dex."-nakangiting sabi ko.

Pansin kong napatigil si Third at biglang nagbago ang expression ng mukha niya.Naging seryoso ang mukha niya ngayon.

"Ahh is that so?"-sabi niya ng hindi tumitingin saakin.

"Okay."-dagdag niya saka tuluyan umalis.

Pagkaalis niya ay umakyat na ako sa kuwarto ko upang humanap ng damit na susuotin ko.Kinuha ko ang isang jeans at simple plain t-shirt na kulay sky blue at kinuha ko din ang dollshoes kong puti.

Simbahan ang pupuntahan namin kaya ganito ang porma ko.Pati dito ako komportable.

Hindi muna ako kumain at naligo na kaagad saka inayos ang sarili ko.

Padating na si Dex e,pumunta akong dining area at napatingin ako doon sa mga pagkain na niluto ni Third.

Tinakpan ko nalang iyon at mamayang gabi ko nalang kakainin.

Habang ako ay naghihintay kay Dex bigla nanaman tumunog ang cellphone ko at akala ko ay si Dex na iyong nagtext.

Pero napangiwi nalang ako nang si Third iyon kaya binasa ko ang messages niya.

Third,

Hindi na ako tutuloy diyan sa bahay niyo,Don't worry I already said it to your dad.

Kaagad na napakunot ang noo ko.

To Third,

Huh?sa'yo ako hinabilin ni dad.Tska matagal ko nang sinabi sa'yo yan pero hindi ka naman nag agree sakin.Tapos ngayon ikaw na itong may gusto?

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon