Chapter30:Forgiven

1.1K 69 0
                                    

A/n:Sorry for the late update.Ngayon nalang ulit sinipag haha.Enjoy reading mwuahh!

NAMI:

"Ako nalang kasi.Para hindi kana nasasaktan."

Paulit-ulit na pumapasok iyan sa isipan ko simula kaninang umaga pag-gising ko.Nanaginip kasi ako,
may isang lalaking nagsabi saakin niyan.Pero hindi ko makita ang kanyang mga mukha,ang alam ko lang ay parang kilala ko ang boses niya.

Putek ang weird!wala naman akong paki-alam sa mga panaginip ko noon pero bakit ang isang iyon ay ginugulo ang isipan ko?Feeling ko kasi.Kilala ko yung lalaking yon...yung nagsabi non.

Napailing na lamang ako saka sinampal ang noo ko.Huwag mo nang isipin Nami!Parang panaginip lang e.

"Ay may sira-ulo oh!"

Napatigil na lamang ako sa pagsampal sa noo ko nang makita ko si Ren na nakatingin saakin.Siguro ay naweweirduhan na din siya sa ginagawa ko.

"Miss,namamali ata ka'yo ng pasok.
Hindi po ito ang mental hospital."

Aba't!itong lalaking to.

"Halika nga dito!"-sabi ko sakanya at hinabol siya na kaagad namang nagtatakbo.

Haggang sa umabot kami sa loob ng room at naghahabulan pa din kami.
Ang bilis ng bawat kilos ng lalaking ito.Ang taas ng energy!samantalang ako ay kanina pa hinihingal.

Ngayon naman ay para kaming nagpapatintero.Nakakadali na din kami ng mga upuan at hindi maiiwasan iyon.

"Teka lang time first Nami!Hinihingal na ako."-sambit ni Ren saka tumigil sa pagtakbo.

Napangiti naman ako ng may balak.
Now it's my chance!Mabilis akong pumunta sakanya habang nakatalikod siya saakin.Umatras muna ako saka patakbong pumunta sakanya at sinipa siya sa likod.Ayun!tumbaaa.

"And the winner is Nami!!"-Sigaw ni Taki habang pinapalakpakan ako.

Pumunta naman ako kay Ren saka tinulungan siyang makatayo.Naguilty naman po ako sa ginawa ko.Pinagpagan niya ang uniporme niya saka tumingin saakin.

"Pasalamat ka babae ka!kung lalake ka nakoo baka pinatulan na kita."-Sabi ni Ren at ako naman ay natawa.

"Masakit ba yung pagkakasipa ko?"-Tanong ko habang natatawa.

"Ay hindi!"-sarcastic na pagkakasabi niya.

Natawa na lamang ako sa naging reaksyon niya.Nawala naman bigla ang ngiti sa labi ko nang pumasok si Dex sa pintuan.Ano ba iyan.

"Haysss Dex!tignan mo naman ang ginawa saakin ng girlfriend mo.
Sinipa ako sa likod!!"-Bungad ni Ren.

Ano daw?!Girlfriend?!

Nag-iwas naman ako ng tingin kay Dex dahil nakatingin pala siya saakin.

"Don't worry.Pagsasabihan ko nalang iyan."-sagot naman ni Dex na ikinagulat ko.

Ano daw?

"Excuse me?I am not your girlfriend."-

Ayun!nakapagsalita din.Nabaling naman saakin ang atensyon nilang lahat.Gulat na gulat nanaman.Nakita ko naman na nagbago ang expression sa mga mukha ni Dex.

"Let's talk."-sambit nito saakin at ako naman ay napailing.Ayan nanaman siya.Ayaw ko nga kasi makipag-usap.

"Common!Gusto ko lang i-explain yung side ko.Hindi naman talaga kita niloko."-sabi niya.

Napatingin naman ako sa mga mata niya at nakikita kong sincere siya.
Tumango ako dahilan para mapangiti siya.

Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila palabas ng room.Nakatingin lang ako sa mga kamay namin na magkahawak.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon